• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza may bagong pasabog

May pasabog ang phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza na tiyak na ikasasaya ng mga ADN or ang AlDub Nation fans nila.  Ngayong Thursday, December 10, ay ilo-launch na nila ang bago nilang endorsements after three years na nagkahiwalay sila sa pag-iendorse ng mga TV commercials. 

 

Mamayang 3:00PM ang launch nina Alden at Maine ng isang delivery app, ang ToktokPH.  Kaya i-open lamang ninyo ang Facebook page ng @toktokphilippines para mapanood ang pag-welcome sa kanila ng ToktokPH family.

 

Ginawa na nila ang photo shoot ng ToktokPH kasabay ng paghahanda naman ni Alden sa kanyang katatapos na successful “Alden’s Reality: The Virtual Reality” concert last December 8 and 9.  Kung hindi kami nagkakamali magkakaroon din daw ito ng billboards along EDSA, at abangan na raw lamang kung saan mga lugar ito makikita.

 

Natupad na ang wish ng mga fans nila na muli silang magkasama sa trabaho, bukod sa araw-araw silang napapanood ngayon sa “Eat Bulaga” nang live Mondays to Wednesdays at after the live show, nagti-taping naman sila ng episodes na mapapanood from Wednesdays to Saturdays.  Everytime na present sila sa EB, mapapanood din sila sa Pinoy Henyo Online na nagbibigay sila ng malalaking premyo sa tatlong contestants na naglalaro, sabi nga walang luhaan, kahit hindi nila maibigay ang tamang sagot, ay tumatanggap pa rin sila ng cash prizes.

 

Open din naman sina Alden at Maine na muling magtambal sa isang proyekto, sabi nga ni Alden, mas mature sana kaysa mga nagawa na nila ni Maine, simula nang magtambal sila noong 2015.  So, may aasahan ba ang mga ADN?

 

*****

 

Excited na ang mga netizens tuwing nagpo-post ang cast ng “First Yaya” sa kani-kanilang Instagram.  Ang isang kapansin-pansin ay kahit daw ang lead actor na si Gabby Concepcion ay madalas mag-post sa kanyang Ig ng mga photos nila ng bago niyang lead actress na si Sanya Lopez.  Mukhang tanggap ng mga netizens ang fresh team up nina Gabby at Sanya.

 

Kahit naman si Sanya ay hindi makapaniwalang mabilis mag-adjust ang kanyang bagong leading man: “Magaling makisama si Kuya Gabby, ang akala ko kasi, dahil veteran na siya hindi niya ako agad mapapansin, pero, napakabait pala niya.”

 

Professionalism naman ni Sanya ang hinangaan ni Gabby kay Sanya: “Masarap siyang katrabaho kasi professional.  She deserves yung 2.9 million followers niya sa Instagram na mahal na mahal siya.”

 

Very professional din ni Gabby dahil tinanggap niya ang project kahit mangahulugan ito na hindi sila makakauwi ng family niya sa San Francisco, California for the Holidays, dahil kailangan nilang mag-lock-in taping araw-araw para matapos sila before Christmas.

 

Ang iba pang bubuo sa cast ay sina Pancho Magno, Cassy Legaspi, JD Domagoso, Cai Cortez, Cacai Bautista at ilang Kapamilya stars na lumipat sa Kapuso Network, si Gardo Versoza, Maxine Medina at si Ms. Pilar Pilapil. Makakasama rin ang mga Star Magic talents na sina Thou Reyes at Clarence Delgado.

 

Sa March, 2021` sinasabing magsisimula nang mapanood ang “First Yaya” sa GMA Telebabad, dinidirek naman ito ni LA Madridejos. (Nora v. Calderon)

Other News
  • Aryna Sabalenka champion ng Women’s Australian Open

    Abot-langit pa rin ang kasiyahan ni Belarusan tennis star Aryna Sabalenka matapos na magkampeon ito sa Australian Open.   Tinalo niya kasi Elena Rybakina sa score 4-6, 6-3, 6-4 para makuha ang kampeonato.   Umabot sa dalawang oras, 28 minuto ang nasabing laro.   Ito ang unang Grand Slam Final ng fifth seed na si […]

  • ‘Wag ibenta, ‘wag paupahan – NHA

    BINALAAN ng National Housing Authority (NHA) ang mga housing beneficiaries na huwag ibenta o paupahan ang pabahay na ibinigay sa kanila ng pamahalaan.     Ayon kay NHA Ge­neral Manager Joeben Tai, maaaring malagay sa blacklist o makansela ang ibinigay na pabahay kapag ibinenta o pi­naupahan.     “Those who are selling or renting out […]

  • Quezon City isinailalim sa ‘moderate risk’ dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases

    ISINAILALIM sa “moderate risk” na klasipikasyon ang Quezon City dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa naturang lungsod sa mga nagdaang linggo.     Anang lokal na pamahalaan ng QC, mula kasi sa 221 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay umakyat ito sa 245.     “Umakyat na rin sa ‘moderate’ risk ang level ng […]