Philhealth, ipagpapatuloy ang pagbabayad ng hospital claims
- Published on April 23, 2022
- by @peoplesbalita
IPAGPAPATULOY na ng Philippine Health Insurance Corporation ang pagbabayad ng mga unpaid hospital claims.
Ayon Philhealth Vice President for Corporate Affairs Dr. Shirley Domingo nakikipag-ugnayan na ang kanilang regional offices sa mga ospital para sa kanilang claim’s payment.
Nagsasagawa din sila ng reconciliation meetings at sa katunayan, nagbayad aniya ang Philhealth sa pamamagitan ng Debit-Credit Payment Method (DCPM).
Sa ilalim kasi ng Circular 2021-0004, ginagamit ng Philhealth ang DCPM para mafacilitate ang settlement ng accounts na ibinabayad sa mga healthcare facilities sa kasagsagan ng State of public Health emergency dulot ng Covid19 pandemic.
Nilinaw din ni Domingo na walang isinasagawang imbestigasyon sa mga ospital sa Northern Mindanao. (Daris Jose)
-
Rollout ng mga smuggled na asukal sa Kadiwa stores, sisimulan na sa Abril – DA
TARGET ngayon ng Department of Agriculture na simulan na ang pagbebenta ng mga nakumpiskang smuggled na asukal sa mga Kadiwa store pagsapit ng buwan ng Abril ng taong kasalukuyan. Ayon kay DA spokesperson Kristine Evangelista, sa ngayon ay isinasapinal pa ng kagawaran ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng mga ito upang maibenta […]
-
Kahit pareho na silang nagdidirek sa serye: GINA, inaming takot na takot din kay Direk LAURICE
THIS time ay artista muli si Gina Alajar at hindi direktor sa ‘Asawa Ng Asawa Ko’ ng GMA. At ang direktor niya sa naturang GMA series ang kapwa niya actress/director na si Laurice Guillen. Mas kumportable ba o naalangan si Gina kapag ang direktor niya ay kapwa rin niya actress/director tulad ni Laurice? […]
-
Uniform travel protocols para sa lahat ng LGUs, inaprubahan ng IATF
INAPRUBAHAN kahapon ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Uniform travel protocols para sa lahat ng Local Government Units (LGUs). Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ang siyang gumawa ng uniform travel protocols “for land, air and sea” sa pakikipag-ugnayan sa Union of Local Authorities of the Philippines, League of Provinces of […]