• December 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PHILHEALTH: ‘NAGBAYAD NA KAMI NG P1.6-BILLION SA PH RED CROSS’

ITINANGGI ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na may utang pa silang higit P930-million sa Philippine Red Cross (PRC) para sa mga isinagawang COVID-19 tests ng private institution.

 

“As of September 2020, PhilHealth already paid the PRC a total of P1.6 billion for at least 433,263 tests,” ayon sa state- health insurer sa isang statement.

 

Magugunitang sinabi ng PRC na bigo ang PhilHealth na bayaran ang outstanding balance nito sa kabila ng kasunduan nila ng institusyon na paglalaan ng revolving fund at pagbababa sa presyo ng singil sa testing.

 

Dahil dito, napilitan ang Red Cross na itigil ang pagtanggap sa COVID-19 tests na naka-angkla ang bayad sa PhilHealth package.

 

“The PRC cannot commit to these orders unless it has the finances to pay for the orders. This is what makes PhilHealth’s settlement of its outstanding obligations critical,” ayon sa PRC.

 

Sa ngayon nakikipag-ugnayan na raw ang PhilHealth sa PRC para maibalik ang napagkasunduan nilang serbisyo.

 

“It is in close coordination with the PRC to thresh out issues pertaining to the said partnership so the PRC can immediately resume accommodating RT-PCR tests for priority sectors that will be paid for by PhilHealth.”

 

Habang hinihintay ang proseso at resulta ng pag-uusap, may payo ang PhilHealth sa mga apektadong sektor dahil sa pansamantalang paghinto ng PRC.

 

“In the meantime, it is requesting that specimens from affected sectors be submitted to other accredited testing laboratories to be able to avail of PhilHealth benefits.

 

Please see complete list at https://www.philhealth.gov.ph/ covid/TestLabs_08312020.pdf.” (Daris Jose)

Other News
  • Malaya na dahil final na ang ‘divorce decree’: TOM, hangad na ma-grant birthday wish ni CARLA na maging masaya

    SA official statement ni Tom Rodriguez na inilabas sa Facebook account ng manager niyang si Popoy Caritativo noong June 17, nag-wish ito na sana’y ma-grant ang birthday wish ng dating asawa na si Carla Abellana na maging masaya.     Pahayag ni Tom, “Now that the divorce decree is final, I truly wish Carla’s birthday […]

  • Mga unvaccinated na nagkakasakit, mas anti-life at anti-poor kaysa ‘no-vax-no-ride’- DOTr

    PINALAGAN ng Department of Transportation (DOTr) ang turing ng ilang sektor na anti-poor at anti-life ang kautusan nito na “no vax- no ride” o pagbawalan ang mga unvaccinated individuals mula sa pagsakay sa public transportation sa National Capital Region (NCR) habang ang lugar ay nasa ilalim ng Alert Level 3.     “Mas anti-poor at […]

  • 16 milyong bakuna darating ngayong Hulyo

    May 16 milyong dose ng COVID-19 vaccine ang matatanggap ng Pilipinas ngayong buwan, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.     Habang sa Agosto naman makakatanggap ang bansa ng 14 milyong dose ng bakuna.     Sa Hulyo 14, mas marami pang doses ng Sinovac ang darating na gagamitin sa mga priority areas kabilang dito […]