PhilHealth, naging maingat sa pag-proseso sa hospital claims
- Published on September 3, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na naging maingat ang state medical insurer PhilHealth sa pag-proseso ng hospital claims, na ayon sa medical facilities ay maaaring pondohan ang paggamot sa mga COVID-19 sufferers.
Nauna nang sinabi ni Philippine Hospital Association na may utang ang PhilHealth sa private at public medical facilities ng P20 billion “in COVID-19 claims.”
Kaya ang tanong ni Pangulong Duterte kay PhilHealth president at CEO Dante Gierran na: “Bakit mahina ka?”
Sinabi ng Pangulo na ang sagot ni Gierran ay dahil ang kanyang trabaho ay may kinalaman sa “receipts and documents” para sa medicines, expenses, at hospital admissions.
“Sabi niya, “I have to be careful, NBI ako sir e,'” ani Duterte patungkol kay dating director ng National Bureau of Investigation.
“‘I cannot move faster than how they want it to be because I have to be very careful considering what happened to Philhealth. Ayaw ko mangyari sa akin ‘yan,'” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte.
Nauna rito, sinabi ni Dr. Jose Rene De Grano, presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc, na ang delayed reimbursements ay gagamitin para i-cover ang sahod ng health care workers, medical equipment at supplies.
-
Medical insurance rule para sa mga college students sa face-to-face classes tinanggal na ng IATF
INALIS ng COVID-19 task force ng bansa ang medical insurance requirement para sa mga estudyanteng pumapasok sa limited face-to-face classes. Pinayagan ng gobyerno sa unang bahagi ng taong ito ang mga kolehiyo at unibersidad sa ilalim ng COVID-19 Alert Level 1 na magsagawa ng face-to-face classes sa buong kapasidad, ngunit ang mga pumapasok sa […]
-
Tuloy ang laban sa korapsyon, krimen, droga at terorismo – PACC
“KAILANGAN po nating ipagpatuloy ang laban sa korapsyon, krimen, droga at terorismo sa susunod na henerasyon.” Ito ang naging panawagan ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica sa publiko. Aniya, ang pangarap lamang aniya noong bata pa siya na maging pulis dahil gusto niyang ipagtanggol ang mga naaapi at supilin ang kasamaan. Iyon […]
-
Barangay Kamuning ‘di isasailalim sa lockdown — Mayor Joy
Wala umanong basehan para isailalim sa lockdown ang Brgy. Kamuning matapos na isang residente dito na galing Dubai ang kaunaunahang na-infect ng UK COVID variant. Ito ang inihayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte kasabay nang pagsasabing hindi na nakarating sa kanyang bahay ang pasyente matapos itong dumating sa bansa dahil agad itong dinala […]