• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PhilHealth record, puno ng ‘super centenarians’ at ‘minor senior citizens?’

Hindi napigilan ng ilang senador na mairita sa palpak na record at iba pang anomalya sa PhilHealth na lumitaw sa ikalawang araw ng pagdinig sa mataas na kapulungan ng Kongreso.

 

Lumutang din sa pagtatanong ni Sen. Francis Tolentino ang isyung may ilang benepisaryo na maituturing nang “super centenarian” dahil umaabot ang mga ito sa edad na 120 o higit pa.

 

Kung totoo umano ito, mapupunta na ang titulo sa Pilipinas, na bansang may pinakamaraming matatanda na nabuhay pa noong panahon nina Apolinario Mabini, Pangulong Emilio Aguinaldo at US General Arthur MacArthur.

 

Pero lalo pang nagulantang ang mga mambabatas nang matuklasang pati mga maliliit na bata ay nakalista rin bilang senior citizens.

 

“Kaya ko ito binabanggit kasi baka magka-problema tayo ‘pag ipinatupad na ang national ID system dahil maraming kukunin sa PhilHealth records. You should be doing the cleansing right now,” wika ni Tolentino.

 

Depensa naman ni PhilHealth Senior Vice President Dennis Mas, nasa proseso na sila ng paglilinis ng kanilang record, pero hindi ito madali dahil kailangan ng proper validation bago mag-alis o magdagdag ng entry.

 

Naniniwala si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na dahil sa mga nalantad na kapalpakan ng PhilHealth officials sa hearing, agad na aalisin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal na may kapabayaan.

 

“The President said last night that he will go hard on these PhilHealth officials. We expect no less than that,” wika ni Sotto.

Other News
  • Inisa-isa ang magiging bahagi ng anniversary concert: ICE, nagpasalamat at binalikan ang mga alaala kina MARTIN at GARY

    SUNOD-SUNOD ang Facebook at Instagram post ni Ice Seguerra para sa mga special guest niya sa ‘Becoming Ice: The 35th Anniversary Concert’ na magaganap ngayong October 15 (Saturday, 8 pm) sa The Theater at Solaire.     Para sa singer-songwriter at direktor na rin, dream come true nga na makasama ang dalawang OPM icons na […]

  • Ads July 14, 2021

  • CAREER HIGH: 71 POINTS NI DAMIAN LILLARD

    Tumipa si Damian Lillard ng career-high na 71 puntos nang talunin ng Portland Trail Blazers ang Houston Rockets noong Linggo (Lunes, oras sa Maynila).   Sa isang makapigil-hiningang pagtatanghal sa harap ng maraming tao sa Portland, iniukit ni Lillard ang kanyang pangalan sa alamat ng NBA upang dalhin ang Blazers sa 131-114 tagumpay.   Ito […]