Philippine mens’ football team nanawagan ng suporta sa nalalapit na ASEAN Cup
- Published on November 29, 2024
- by @peoplesbalita
MAAGANG naghahanda na ngayon ang Philippine Men’s Football team para sa pagsabak nila sa ASEAN Mitsubishi Electric Cup 2024.
Sa darating kasi ng Disyembre 12 ay makakaharap nila ang Myanmar habang sa Disyembre 18 naman ay ang Vietnam na kapwa ito gaganapin sa Rizal Memorial Stadium.
Habang mayroon din silang mga laro sa labas ng bansa gaya sa Lao National Stadium sa darating na Disiyembre 15 at makakaharap naman ang Indonesia sa Disyembre 21 na ito ay gaganapin sa Gelora Bung Karino Stadium.
Sinabi ni Freddy Gonzales ang Director of National Senior Teams for the Philippine Football Federation, na magagamit ng national team ang ilang mga natutunan nila sa mga nagdaang friendly games mula sa ibang mga bansa.
Sa darating naman na Disyembre 2 ay gaganapin ang national training camp nila at doon na maaring mapili kung sino ang pinal na mga isasabak.
Nanawagan ito sa publiko na suportahan ang Philippine team lalo na kapag ang laro ay gaganapin sa bansa.
-
Simula na ng pag-akyat ng Filipinas sa world stage
ANG pagkopo sa titulo ng 2022 Asean Football Federation Women’s Championship ay simula pa lamang ng pag-akyat ng Philippine women’s national football team sa world stage. Blinangka ng Filipinas ang four-time AFF champions na Thailand, 3-0, sa finals sa harap ng higit sa 8,000 fans kamakalawa ng gabi sa Rizal Memorial Football Stadium. […]
-
ABS-CBN, humingi ng tawad kay Duterte sa ‘di pag-ere ng ilang 2016 poll ads nito
Humingi ng tawad sa Senate hearing si ABS-CBN president at chief executive officer Carlo Katigbak kung sumama ang loob ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-ere ng network ng isang kontrobersiyal na political advertisement noong 2016. “We are sorry if we offended the president. That was not the intention of the network. We felt that […]
-
BI ipapatupad ang ILBO laban sa opisyal ng OVP
SINABI ng Bureau of Immigration (BI) na nakatanggap sila ng kopya ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) na inisyu laban sa pitong opisyal sa Office of the Vice President (OVP). Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado ang kautusan ay natanggap nila nitong November 6 kaya isinama nila ang pangalan ng pitong opsiyal sa […]