Philippines -BEST dumating na sa Paris
- Published on May 12, 2022
- by @peoplesbalita
Dumating na ang Philippines BEST-Swim League Philippines sa 10th Circle of Swimmers of Melun Val de Seine na aarangkada sa Mayo 13 hanggang 15 sa Paris, France.
Dumating na sa Paris ang delegasyon ng Pilipinas na binubuo nina Philippine national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh, Julia Ysabelle Basa, Marcus Johannes De Kam, Jordan Ken Lobos, Nicholas Ivan Radovan, Hugh Antonio Parto, Yohan Mikhail Cabana at Lance Arcel Lotino.
Matapos ang isang araw na pahinga, agad na sumalang sa ensayo ang koponan upang paghandaan ang matinding laban na haharapin ng Pinoy tankers laban sa matitikas na tankers sa Europa.
“The Eiffel tower was once impossible to built like our grassroots swimmers that we thought there is a possibility to even compete in Europe,” ani Philippines BEST-Swim League Philippines team manager Joan Mojdeh.
Kasama rin sa delegasyon sina Philippines BEST-Swim League Philippines team owner Harold Mojdeh, secretary general Marilet Basa at coach Jerricson Llanos.
Nagpasalamat ang koponan sa Behrouz Persian Cuisine — ang major sponsor ng team at kina Hans Wong, Hannah Wong, Marie Lim, Jun Papa, Senator Ralph Recto, Vince Garcia at sa FINIS Philippines gayundin kina Judith Communaudat (Secretary English Translator), Hervee Piquee (Head Coach and Technical Director) at Fadela El Barodi.
-
Ads July 10, 2024
-
19 bangkay sa bumagsak na C-130 plane sa Sulu, nakilala na ng AFP
Natukoy na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkakakilanlan ng 19 sa 49 na sundalong nasawi sa pagbagsak ng C-130 cargo plane noong Linggo sa Patikul, Sulu. Kabilang dito sina Major Emmanuel Makalintal, Major Michael Vincent Benolerao, First Lieutenant Joseph Hintay, Technical Sergeant Mark Anthony Agana, Technical Sergeant Donald Badoy, Staff […]
-
BBM, Comelec pinasasagot ng SC sa DQ case
PINASASAGOT ng Supreme Court (SC) ang kampo ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang Commission on Elections (Comelec) ukol sa iniakyat sa kanilang disqualification case laban sa una. Bukod sa kanila, pinasasagot din ng SC ang Senado at ang House of Representatives, na isinampa sa petisyon na isinumite nina Fr. Christian […]