• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Philippines BEST nakapag-ensayo agad sa Dubai

HANDA  na ang lahat ng miyembro ng Philippines BEST (Behrouz Elite Swimming Team) Killerwhale sa 2022 Hamilton Aquatics Short Course Swimming Championships na lalarga sa Oktubre 22 hanggang 23 sa Hamdan Bin Mohammed Bin Rashid Sports Complex.

 

 

Sabak agad sa ensayo ang 10 miyembro ng delegasyon upang masigurong preparado ang lahat bago sumalang sa pukpukang labanan.

 

 

“We just rest a bit in the morning then went on to training in the afternoon to shake off some rust. Our swimmers are all pumped up and ready to compete,” ani PH BEST delegation head Marilet Basa.

 

 

Nanguna sina Cavite pride Jarold Kesley Ca­mique ng God The Almighty Academy-Dasmariñas at Immaculate Heart of Mary College-Parañaque standout Julia Ysabelle Basa sa dalawang oras na training sa City Towers Hotel swimming pool.

 

 

Kasama rin sina Andrae Kenzie Samontanes, Hannah Mikaela Lim at Louis Andrei Lim ng St. Joseph College of Novaliches; Kathryn Leigh Kier ng Baguio City SPED Center, Lyyld Wynn Robles ng Casa Del Bambino Emmanuel Montessori, Davidmorvyn Gillego ng Holy Trinity School of Padre Garcia, Patricia Celine De Chavez ng Anselmo A. Sandoval Memorial National High School, Reneilly Trinidad ng Calayan Educational Foundation at Master Charles Janda ng Centro Escolar Integrated School Malolos.

 

 

Bantay-sarado nina team head coach Bryan Estipona at assistant coach Christine Keith De Luna ang buong koponan.

Other News
  • Personal appearance ng mga senior sa pagkuha ng pension, ipinatigil ng IATF

    Simula sa Marso 1, 2021, hindi na kailangang magtungo ng personal ang mga senior citizens sa mga pension issuing agencies at mga servicing banks  para sa balidasyon at pagkuha ng kanilang pension.     Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inatasan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang mga pension issuing agencies […]

  • Libu-libong LLN at Mother Leader, tumanggap ng subsidiya mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Upang higit na mapahusay ang mga serbisyo at mapataas ang kanilang moral, 4,166 na Mother Leaders (ML) at 636 na Lingkod Lingap sa Nayon (LLN) ang nabigyan ng tig P3,200 at P4,000 na tulong salapi sa isinagawang dalawang araw na programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na tinawag na ‘Distribution of […]

  • Ads January 20, 2020