• June 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Philippines-best tankers hakot ng 2 golds, 3 silvers sa France

UMARANGKADA pa nang husto ang Pinoy tankers matapos humakot ng dalawang ginto at tatlong pilak na medalya sa 10th Circle of Swimmers of Melun Val de Seine na ginaganap sa Piscine de Melun swimming pool sa Melun, France.

 

 

Rumesbak si Philippine national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh sa pagkakataong ito matapos pagreynahan ang women’s 200m butterfly sa bendisyon ng impresibong 2:20.85.

 

 

Inilampaso ni Mojdeh sina French tankers G­abriella Lardier-Puigdomene (2:26.42) at Lisa Verdier (2:28.43) na nagkasya sa pilak at tanso, ayon sa pagkakasunod.

 

 

“I am extremely happy with the second day turn out despite the colder temperature here in France. Swimmers gave all their best in their respective events. I think they are filled with so much excitement to swim side by side with the European and world champions that it translated to their swim and were able to win medal for our country,” ani Philippines BEST-Swim League Philippines team manager Joan Mojdeh.

 

 

Nagpasiklab din si Lucena pride Ivan Radovan nang masikwat nito ang ikalawang gintong medalya ng Pilipinas nang mangibabaw  sa men’s 200m butterfly.

 

 

Nairehistro ni Radovan ang 2:10.28 upang masiguro ang gintong medalya kung saan pinataob sina France bets Nat Villerfranche (2:11.27) at Meaux Natation (2:12.27).

 

 

Humataw din ang Behrouz Persian Cuisine-sponsored team ng tatlong pilak na medalya mula kina Jordan Ken Lobos, Hugh Antonio Parto at Lance Argel Lotino sa kani-kanyang events.

 

 

Pumangalawa si Lobos sa men’s 200m breaststroke (2:22.66) habang sumegunda rin si Parto sa men’s 200m butterfly (2:13.48) at si Lotino na naka-pilak sa men’s 50m breaststroke (31.70).

Other News
  • Alert Level 0 ‘di na kailangan – DTI

    HINDI NA kailangan ng bansa na ibaba ang CO­VID-19 status nito sa Alert Level 0 dahil “totally open” o bukas na ang ekonomiya, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).     “Sa amin ho, hindi na kailangan mag-Alert Level 0 kasi bukas, totally open ang economy eh. Napag­usapan namin sa IATF (Inter-Agency Task […]

  • Multi-billion peso fund transfer ng DICT at MMDA pinaiimbestigahan sa Kamara

    PINAIIMBESTIGAHAN ni Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar Rep. Paul Daza ang proyektong na bid out ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa halagang P1.1-billion.     Ang nasabing proyekto ay para sa NCR Fiber-Optic Backbone Development.     Diin ni Daza na ang nasabing pondo ay originally allocated para sa Department of Information […]

  • 93 percent ng mga Filipino naniniwalang natapos na ang COVID-19

    MAYROONG  93 percent ng mga adult Filipinos ang umaasang natapos na krisis dulot ng COVID-19 sa bansa.     Ito ang lumabas na pinakahuling survey ng Social Weather Station kung saan mayroong 1,200 na mga adults ang kanilang sinurvey na isinagawa mula Disyebmre 10 hanggang 14.     Lumabas din sa survey na mayroong 59 […]