PHILPOST, NAGBABALA SA SCAMMER
- Published on January 30, 2023
- by @peoplesbalita
NAGBABALA sa publiko ang Philippine Post Office (PPO) sa umanoy mapanlinlang na tawag mula sa mga indibidwal na nagpapanggap na bahagi ng postal corporation.
Sinabi ng PhilPost sa kanilang public advisory na hindi ito tumatawag sa mga kliyente nito para sa anumang transaksyong pinansyal.
Nagbabala ang Post Office sa mga scammers na ginagamit ang kanilang mga kasanayan sa computer upang i-configure ang mga tawag at ipakita na ito ay mga lehitimong tawag mula sa Customer Service Hotline ng postal corporation, (02) 8288-7678.
“This official number, however, is being used by the Post Office for the sole purpose of entertaining inbound calls from the mailing public who are tracing the whereabouts of their mail or parcels,” sabi ng Post Office.
“It is never used for outgoing or outbound calls for verifications on senders or addressees of postal matters,” dagdag pa.
Ang babala ay inilabas, matapos magtungo ang tatlong pribadong mamamayan kamakailan sa Cebu Post Office upang magtanong tungkol sa mga kahina-hinalang tawag sa telepono na kinumpirma na “spoofed o cloned na mga tawag na may end view ng extortion.”
Pinayuhan ng publiko ang Post Office na huwag magbigay ng mga impormasyon sa mga scammers.
Ipinaalam na ng Post Office sa Department of Information and Communications Technology at National Telecommunications Commission na imbestigahan ang mapanlinlang na pamamaraan.
Humingi rin ito ng tulong sa Philippine National Police at sa kasalukuyan nitong telephone service provider para matugunan ang sinasabing package scam. GENE ADSUARA
-
Panukalang doblehin sa P1K pensyon ng indigent seniors batas na
ISA nang ganap na batas ang panukalang layong itaas mula P500 sa P1,000 ang buwanang pensyon ng “indigent senior citizens” o mga nakatatandang nasa laylayan, ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva ngayong Martes. “Happy bday indeed! batas na po ang ating doubling the social pension of indigent senior citizens,” tweet ni Villanueva […]
-
PBBM pirmado na ang P20k na incentive, ‘gratuity pay’
NILAGDAAN na ni Pangulong “Ferdinand” Bongbong” Marcos Jr. ang ilang kautusang magbibigay ng P20,000 service recognition incentive at gratuity pay para sa mga manggagawa sa gobyerno — kabilang na ang mga kontraktwal. Ito ang nilalaman ng limang-pahinang Administrative Order 12 na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong ika-7, bagay na magbibigay ng […]
-
Alex Eala sasabak sa unang pagkakataon sa SEA Games
SASABAK na 31st Southeast Asian Games si Filipina tennis sensation Alex Eala. Sinabi ng ama ng 16-anyos na tennis star na si Mike na kabilang ang anak nito sa mahigit na 600 atleta na ipapadala ng bansa sa nasabing torneo sa darating na Mayo sa Hanoi, Vietnam. Naisumite na nito ang […]