PhilSA, inilabas ang mapa na nagpapakita ng posibleng lawak ng Bataan oil spill
- Published on July 30, 2024
- by @peoplesbalita
NAGPALABAS ng mapa ang Philippine Space Agency (PhilSA) na nagpapakita ng potensiyal na laki o lawak ng oil spill mula sa tumaob na Philippine-flagged Motor Tanker Terra Nova sa lalawigan ng Bataan.
“It includes the tanker’s location as well as a satellite image of the oil leak that was taken at 5:40 a.m.,” ayon sa PhilSA.
“The image was retrieved from the International Charter Space and Major Disasters, which provides Earth-observation satellite data to support disaster management efforts,” ayon naman sa ulat.
”Please be advised that this map is still subject to field validation,” ang sinabi naman ng PhilSA.
Samantala, kumikilos na ang awtoridad para ma-contain ang tumagas na lang is mula sa lumubog na Philippine-flagged Motor Tanker Terra Nova sa may parte ng Manila Bay sa may bayan ng Limay sa probinsiya ng Bataan.
Ayon kay Philippine Coast Guard Rear Admiral Armand Balilo, sakaling lahat ng 1.4 milyong litro ng langis na laman ng tanker ay tumagas sa dagat, maaaring umabot ito sa baybayin ng kapital ng bansa sa Maynila.
Kung nagkataon ito na ang maituturing na pinakamalalang oil spill sa kasaysayan ng bansa.
Sa kasalukuyan, ayon sa PCG official tanging ang working fuel ng tanker o langis na ginamit ng tanker ang tumagas na minimal lamang.
Mayroon naman aniyang contingency plan ang ahensiya kabailang na pagdating sa worst-case situation.
Pinakilos na rin ang marine environmental protection personnel ng PCG para mapigilan ang oil slick.
Nagpadala na rin ang PCG ng personnel sa Navotas, Bulacan at pampanga para imonitor at paghandaan ang posibleng oil spill kasunod ng insidente at idineploy na rin ang BRP Melchora Aquino para magsagawa ng serach and rescue operations.
Ayon sa opisyal, nasa 16 mula sa 17 crew na lulan ng tanker ang naisalba na at patuloy na hinahanap ang mga nawawalang tripulante.
Una rito, patungo sana ang MT Terra Nova sa Iloilo para maghatid ng langis nang tumaob at kalauna’y lumubog ang tanker sa silangan ng Lamao Point sa bayan ng Limay bandang 1:10am nitong Huwebes. (Daris Jose)
-
Pinalalagay na para ito sa hosts ng ‘It’s Showtime’: Pagpapatutsada ni JANUS sa kanyang IG post, maraming naangasan
MAY mga naantipatikuhan at naglabas ng galit sa post ni Janus Del Prado sa kanyang Instagram account. Napakasarkastiko raw kasi ang ginawang pagtanong ng aktor sa mga tumitira at bumabanat sa mga naglilipatang artista noon sa ibang network. “‘Yung mga bumatikos sa mga lumipat dati, naglipatan na din ngayon lol. Kala ko ba […]
-
First ‘Agnes’ Trailer and Photos Teases Classic Exorcism Horror Film
AS the 2021 Tribeca Film Festival ramps up, we’re getting more and more hints at the films featured at the festival, including the upcoming nun horror film Agnes, and will have its world premiere on June 12. Directed by Mickey Reece, behind indie hits like Climate of the Hunter and T-Rex, Agnes follows a priest-in-waiting and his jaded mentor as […]
-
Budget cut sa PGH, inalmahan
PINALAGAN ng unyon ng mga manggagawa ng Philippine General Hospital (PGH) ang pinababang panukalang pondo para sa pagamutan sa 2023 na tinawag nilang hindi katanggap-tanggap at nakakabahala. “Una sa lahat ang unang maapektuhan po ng budget cut sa PGH ay ‘yung serbisyo na ibinibigay namin sa mga pasyente,” ayon kay ALL UP Workers […]