Phivolcs binawi ang tsunami warning matapos ang 7.5 lindol sa Taiwan
- Published on April 4, 2024
- by @peoplesbalita
BINAWI ng Phivolcs ang nauna nitong tsunami advisory matapos ang magnitude 7.5 na lindol na tumama hilagangsilangan ng Taiwan.
Miyerkules nang nagbabala ng “high tsunami waves” ang Phivolcs sa ilang bahagi ng Pilipinas na kaharap ng Karagatang Pasipiko, kabilang na ang Batanes Group of Islands, Cagayan, Ilocos Norte at Isabela.
“Based on available data of our sea level monitoring stations facing the epicentral area, no significant sea level disturbances have been recorded since 07:58 AM up until this cancellation,” sabi ng Phivolcs.
“With this, any effects due to the tsunami warning have largely passed and therefore DOST-PHIVOLCS has now cancelled all Tsunami Warnings issued for this event.”
Kahapon ng umaga nang sabihin ng Phivolcs na bandang 8:33 a.m. hanggang 10:33 a.m. darating ang mga alon dulot ng naturang lindol.
Una nang inirekomenda ng state seismologists ang pagpapalikas ng mga residente mula sa mga naturang lugar patungo sa matataas na erya o hindi kaya’y palayo sa mga anyong tubig.
Una nang sinabi ni Wu Chien-fu, direktor ng Seismology Center ng Central Weather Administration ng Taipei, na ito na ang pinakamalakas na lindol nangyari sa bansa sa loob ng 25 taon.
Setyembre 1999 nang huling magkaroon ng mas malakas na pagyanig dahil sa magnitude 7.6 na lindol, bagay na pumatay ng 2,400 katao. (Daris Jose)
-
Philippine sovereign debt, tumaas ng P14.5 trillion
NAKAPAGTALA ng bagong mataas na record ang “sovereign debt stock”, “as of end-June” habang lumakas ang pangungutang ng gobyero para tustusan ang financing requirement nito. Ito ang makikita sa pinakabagong data mula sa Bureau of the Treasury (BTr). Pumalo sa P14.15 trillion ang total outstanding debt ng bansa , tumaas ng […]
-
Pinoy karateka James de los Santos nasa unang puwesto na
NAKAMIT na ni Filipino karateka James de los Santos ang unang puwesto sa men’s online kata world rankings. Ito ay matapos na magwagi sa mga ginanap na virtual tournament. Base sa E-Kata Male Individual Seniors, mayroong kabuuang 8,950 na puntos si delos Santos. Nahigitan nito si Eduardo Garcia ng Portugal. Sinabi […]
-
COVID-19 vaccine brands, puwede nang sabihin sa recipients sa inoculation centers
MAAARING isiwalat ng mga awtoridad ang COVID-19 vaccine brands sa kanilang recipients sa inoculation centers. Ito’y matapos na ipagbawal ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang local government sa pag-anunsyo ng brand names para maiwasan ang mass gatherings. “Malinaw ang paliwanag ng DILG na bagama’t hindi iaanunsyo ng LGU ang vaccine […]