Phivolcs, hindi pa nakikitang may pangangailangan na ilagay sa “higher alert level” ang Bulusan
- Published on June 15, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI pa nakikita ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvolcs) ang pangangailangan na itaas ang Bulusan Volcano sa Sorsogon sa Alert Level 2 sa kabila ng panibagong pagputok, araw ng Linggo.
Sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum, malaki ang posibilidad ng muling pagputok ng bulkan matapos na pumutok ito ng madaling araw ng Linggo, na ayon sa mga awtoridad ay mas malakas kumpara sa pagputok nito kamakailan.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas-3:37 ng madaling araw nang muling magkaroon ng phreatic eruption ang bulkan, na tumagal nang 18 minuto.
“It’s the same mechanism pero in terms of the volume na inilabas , the steam might be greater because of the six vents where it came out,” ayon kay Solidum sabay sabing “The record of the earthquakes showed that the activity we had yesterday was more energetic than last June 5.”
Sinabi ni Solidum na kailangan nilang ikunsidera ang ilang parametro sa pagtataas sa alert level sa Bulusan, kasalukuyang nasa Level 1 o pinakamababang level of volcanic unrest ang Bulkang Bulusan.
“We are looking at magma involvement in the latest activity of the volcano. We are still looking at the type of earthquakes that we are recording. The record does not seem to show there is magma movement,” aniya pa rin.
“We also need to look at ash that were thrown out, kung luma o bago na , we’re looking at different parameters to tell us whether there is magma involvement,” dagdag na pahayag ni Solidum sabay sabing “If there is, we’ll raise to 2. And in raising to Alert Level 2, in many of the volcanoes that we monitor, hindi pa naman kami nagpapaevacuate .”
Bagaman wala pang dahilan para itaas ang alert level ng bulkan, na nasa Level 1 pa rin, nagbabala si Solidum na posible pa ang mga susunod na pagputok.
“Ang character naman ng Bulusan Volcano ay ‘yong ganyan. May mga pasulpot-sulpot na eruption na hindi lang isang beses and then titigil na. Kaya marami siya na multiple phreatic events magmula pa noong many years ago,” paliwanag ni Solidum.
Dahil sa pagputok, nabagsakan ng abo ang 35 barangay sa mga bayan sa paligid ng bulkan, mas marami kompara sa 2 barangay lang noong nakaraang linggo.
Kasama rito ang mga barangay sa Juban, Casiguran, at Magallanes. Nakaabot din umano ang abo sa Irosin at Sorsogon City.
Nagsagawa rin ng flushing ng mga abo sa kalsada ang Bureau of Fire Protection, habang umalalay sa trapiko ang pulisya.
Agad ding naglinis ang mga residente pagsapit ng umaga.
Hindi rin muna nagpatupad ng paglikas ang local disaster office sa bayan ng Juban.
“Ang order is to stay indoor and then madaling araw kaya nasa loob naman ng mga bahay. So ngayon, medyo ano naman, base dito sa panahon natin, medyo humupa naman na,” sabi ni Arian Aguallo, spokesperson ng Juban disaster office. (Daris Jose)
-
NAVOTAS INILUNSAD ANG E-BPLS, E-BOSS PLATFORM
INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang electronic Business Permits and Licensing System (e-BPLS) at Electronic Business One-Stop Shop (e-BOSS) cloud-based platform. Ang virtual na paglulunsad ng programa ay pinangunahan ni Mayor Toby Tiangco, Union Bank of the Philippines Executive Vice President and Retail Banking Center Head, Mary Joyce Gonzales, at Landbank of […]
-
Kahit ilang buwan nang naghiwalay… DANIEL, ‘di kinalimutang batiin ng ‘hapy birthday’ si KATHRYN
KAHIT naghiwalay na, hindi kinalimutan ni Daniel Padilla na batiin ang kanyang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo na nagdiwang ng kaarawan. Nitong hatinggabi ng Martes, nag-post sa Instagram si Daniel ng isang graphic image nila ng dating nobya na may Japanese character na nagsasaad ng “Happy birthday to you.” May sunflower […]
-
ROW problema sa MMSP at NSCR
NAGBUO ang pamahalaan ng isang interagency committee na siyang magreresolba sa problema sa Right-of-Way (ROW) sa ginawagang Metro Manila Subway Project (MMSP) at North-South Commuter Railway (NSCR). Nagkakaron ng mga delays sa ginagawang konstruksyon ng nasabing dalawang railway projects dahil sa problema sa ROW. May maapektuhan na 40 kabahayan sa ginagawang […]