• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Phivolcs, nagbabala sa patuloy na pagbuga ng gas ng Taal

BINALAAN  ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang publiko hinggil sa patuloy na ‘degassing acti­vity’ o pagbuga ng gas mula sa Bulkang Taal.

 

 

Sa Taal Volcano advisory ng Phivolcs nitong Linggo, nagkaroon nang pagbuga ng gas mula sa Taal, na sinabayan ng pagluwa sa lawa ng Main Crater na lumikha ng makapal na usok na umabot hanggang 3,000 metro mula sa Taal Volcano Island (TVI). Ito anila ay lumikha ng volcanic smog o vog sa kapaligiran ng bulkan.

 

 

“Naiulat ang vog ka­ninang umaga (Linggo) ng mga mamamayan ng Munisipyo ng Balete, Laurel at Agoncillo, Batangas. Nagbuga ang Taal Main Crater ng 5,831 tonelada kada araw na volcanic sulfur dioxide o SO2 gas noong 1 Hunyo 2023, mas mataas sa average na 3,556 tonelada kada araw nitong nakalipas na buwan,” dagdag pa ng Phivolcs.

 

 

Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ng Phivolcs ang publiko na ang vog ay binubuo ng mga pinong droplet na naglalaman ng volcanic gas tulad ng SO2 na acidic at maaaring magdulot ng pangangati ng mata, lalamunan at respiratory tract na may kalubhaan depende sa mga konsentrasyon ng gas at tagal ng pagkaka­lantad.

 

 

Ang mga komunidad na maaaring maapektuhan ng vog ay pinapayuhang limitahan ang mga aktibidad sa labas at sa halip ay manatili na lamang sa bahay.

 

 

Mas makabubuti ­anila kung puprotektahan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsuot ng N95 facemask.

 

 

Payo pa ng Phivolcs, uminom ng maraming tubig upang mabawasan ang anumang pangangati o paninikip ng lalamunan.

 

 

Dagdag pa nito, kung magkaroon ng paglala o matinding pagbabago sa mga monitoring parameters, maaaring itaas muli ang antas ng alerto sa Alert Level 2.

 

 

Babala pa ng Phi­volcs, sa kasalukuyang Alert ­Le­vel 1, maaaring maganap ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions, volcanic earthquakes, manipis na ashfall at pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas sa kapaligiran ng TVI. (Ara Romero)

Other News
  • Ke Huy Quan Takes the Lead in ‘Love Hurts’, Fil-Am Jonathan Eusebio’s directorial debut

    FROM Hollywood’s celebrated Fil-Am stunt coordinator Jonathan Eusebio—known for his groundbreaking work on Black Panther, the John Wick franchise, The Matrix Resurrections, and more—comes a pulse-pounding debut as he steps into the director’s chair with Love Hurts, a gritty tale of love and retribution.     The film, starring Ke Huy Quan in his first […]

  • NHA, NAMAHAGI NG CELA SA 382 BENEPISYARYO SA CSJDM, BULACAN

    NAMAHAGI ang National Housing Authority (NHA) ng Certificates of Eligibility for Lot Allocation (CELA) sa 382 kwalipikadong benepisyaryo para sa siyam na housing sites sa Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan.     Sa patnubay ni NHA General Manager Joeben Tai, pinangunahan ni Assistant General Manager Alvin S. Feliciano at Region III Manager Minerva […]

  • DA, naglunsad ng P45/kilo ‘Rice-for-All’ program

    INANUNSYO ng Department of Agriculture (DA) na nakatakda itong maglunsad ng bagong inisyatiba na naglalayong gawing affordable ang presyo ng bigas para sa mga Filipino consumer.         Sinabi ng DA na ilulunsad nila ang Rice-for-All program, araw ng Huwebes, Agosto 1, 2024.     Ang bagong programa ay ‘follow up’ sa P29 […]