• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Phoenix Suns nalusaw kay Jimmy Butler, Heat

SINANDALAN ng Miami Heat si veteran scorer Jimmy Butler upang pasukuin ang Phoenix Suns, 104-96, sa 2022-2023 National Basketball Association (NB) regular season game kahapon.

 

Tumikada si Butler ng 20 puntos, anim na assists at limang rebounds upang tulungan ang Heat na ilista ang 21-19 karta at hawakan ang No. 8 spot sa Eastern Conference.

 

Nakatuwang ni Butler si Victor Oladipo matapos umiskor ng season-high 26 points off the bench, bumakas naman si Bam Adebayo ng 21 markers at 11 boards.

 

“There are some good things happening,” saad ni Fil-Am Heat head coach Erik Spolestra. “And that’s with a lot of moving parts, guys in and out of the lineup. More than anything, I respect that our guys are not making excuses for the moving parts.”

 

Dominado ng Heat ang buong laban, hawak nila ang bentahe sa simula pa lang ng bakbakan, malaking tulong sa kanila sina Butler at Oladipo.

 

“He’s been getting more comfortable, more confident and getting his legs under him,” patungkol ni Spolestra kay Oladipo. “He’s a big-time X-factor for us on both sides of the floor.”

 

Maagang ipinaramdam ng heat ang init ng kanilang opensa nang hawakan ang pitong puntos na bentahe, 30-23, sa pagtatapos ng first quarter.

 

Sa second half ay sinabayan na lamang ng Miami ang bilis ng Phoenix kaya nanatili ang kanilang bentahe sa fourth period. (CARD)

Other News
  • Sara Duterte, susunod na DepEd chief – Marcos Jr.

    PUMAYAG si Vice Presidential frontrunner Sara Duterte na pamunuan ang Department of Education (DepEd).     “I think I am already authorized to announce the first nominee that we will be giving to the Commission on Appointments when the time comes, should I be proclaimed. That is that our incoming vice president has agreed to […]

  • Trabaho ng Equestrian PH, patuloy lang – Coscoluella

    PATULOY na itataguyod ng Equestrian Philippines ang sport kahit na may ibang sports association na kinikilala ang Philippine Olympic Committee (POC).   Sa katunayan ay kumakayod ang EquestrianPH upang makadiskubre pa rin at makapagkaloob ng tamang pag-eensayo para sa mga international champions gaya na nina Marie Antointte ‘Toni’ Leviste, Joker Arroyo at Colin Syquia.   […]

  • DILG binalaan ang mga kandidato bawal ang anumang ‘physical contacts’ sa kampanya

    BINALAAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga kandidato hinggil sa iba’t ibang uri ng physical contact lalo at nalalapit ang pagsisimula ng campaign period para May 2022 elections.     Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, anumang physical contacts na lumalabag sa Minimum Public Health Standards ay […]