PIA, wala pa ring kupas ang ganda at kaseksihan; first time sa Maldives at kasama pa si JEREMY
- Published on January 13, 2021
- by @peoplesbalita
PATULOY ang pagpapakita ng alindog ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach para sa taong 2021.
Ang latest ay ang pinost niyang bikini photos na kinunan sa Maldives kunsaan kasama niya ang boyfriend na si Jeremy Jauncey.
Walang kupas ang ganda at kaseksihan ni Pia. Effortless din ang mga poses niya sa kanyang mga suot na swimsuits.
Ni-reveal din ni Pia na ito ang first time niya sa Maldives at nataon na kasama niya si Jeremy.
“The first sunset of 2021 @joalimaldives. I’m so lucky @jeremyjauncey takes good pictures,” post ni Pia sa kanyang Instagram.
Nag-post din si Jeremy ng isang photo ni Pia habang nakatayo sa pier at nasa background ang ganda ng Maldives.
Caption ni Jeremy: “We sat on this pier watching the first sunset of 2021, making plans for our life and all the things we want to achieve this year.”
Magkasama noong Pasko at New Year sina Jeremy at Pia sa United Kingdom bago ito nag-total lockdown dahil sa bagong strain ng COVID-19.
***
PROUD ang aktor na si Neil Ryan Sese sa kanyang panganay na anak na si Kahlia dahil ito ang nagpatakbo ng kanilang seafood delivery business na K&G Seafood noong nasa one month lock-in taping siya para sa Descendants of the Sun.
Sa isang Instagram post, pinasalamatan ni Neil ang 13-year old daughter sa pagtulong sa kanyang negosyo habang wala siya at nasa taping.
“Last November-December, I had a 26 day lock-in taping in Batangas. My daughter, Kahlia, handled and took charge of the orders during this time. So proud of her for taking this on and for assisting me with @k_gseafood. Great job, Kling! Thank you for helping me with our business and Daddy, as always, is really proud of you! I love you, sweet one,” caption ni Neil.
Nagkaroon ng K&G Seafood si Neil noong simula ng pandemic bilang paraan para kumita habang wala pa siyang showbiz projects dahil sa lockdown. Ang aktor din ang nagde-deliver gamit ang kanyang bike.
“Walang taping, one month akong nasa bahay lang, wala namang income so labas ka lang ng labas ng pera. Medyo mauubos ‘yung ipon mo. So naisip ko na magtayo ng negosyo. Parang, ano ba ‘yung needs ng tao? “Ano ba ‘yung bibilhin nila? Naisip ko puwede ‘yung seafood kasi naalala ko na may kaibigan ako na seafood dealer. ‘Yun kinausap ko siya and nakipag-tie up ako sa kanya,” kuwento ni Neil.
Unti-unting nag-expand ang business ni Neil at nakapag-hire pa ng ibang riders na nawalan ng trabaho dahil sa lockdown.
“Unang-una nakakataba talaga sa puso kasi natutulungan ko silang mga riders. Kasi noong una talaga, ‘yung first few weeks nila, ‘yung isa naluha pa kasi malaki na yung nakuha niya. Mga PhP850, parang ganun. Ang sarap lang nung feeling na nakakatulong ka sa tao.”
***
MAS lalo raw tumatag ang pagsasama nila Nick Jonas at Priyanka Chopra bilang mag-asawa dahil sa ongoing pandemic.
Sey ni Priyanka na mas nakilala nila ni Nick ang isa’t isa dahil sa ilang buwan na naka-quarantine sila. Unlike noon na may kanya-kanya silang mga lakad parati.
“Quarantine gave us the ability to spend a lot of time together, which I’m really blessed by. Because with both of our careers it’s hard to find that kind of time.”
Bago magkaroon ng COVID-19 pandemic, natapos ni Priyanka ang mga eksena niya sa pelikulang The Matrix 4 sa Berlin, Germany at Text For You sa London.
Last December ay nag-celebrate sina Nick at Priyanka ng kanilang second wedding anniversary. Naging extra special daw dahil silang dalawa lang ang nag-celebrate in London.
“It’s so comforting to find a person who is in your corner. Whatever I may be in my professional life or how the world perceives me, I’m just a girl trying to live her life in the best way possible, and I’m so grateful to have a partner in doing that,” sey ni Priyanka. (RUEL MENDOZA)
-
Ilang airports sa bansa sasailalim din sa privatization
MAY plano ang Department of Transportation (DOTr) na isailalim ang operasyon ng ilang airports sa bansa upang lalong gumanda ang serbisyo at upang hindi na mahirapan ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pagiging operator at regulator ng halos lahat ng airports sa bansa. Sa nakaraang ginawang 2024 Aviation Summit, sinabi […]
-
DOST, nakipag-sanib-puwersa sa US firm para sa paggamit ng AI para sa weather forecasting
LUMAGDA ang Department of Science and Technology (DOST) ng Memorandum of Understanding (MoU) kasama ang United States-based company, ‘Atmo,’ dalubhasa sa AI-guided weather forecasting. Sinabi ni DOST Assistant Secretary Napoleon Juanillo na layon ng departamento na mapahusay at makapagbigay ng mas detalyadong daily weather forecasts sa pamamagitan ng artificial intelligence (AI) technology […]
-
44% ng mga Pinoy umaasang aangat ang buhay sa loob ng 12-mos. – SWS survey
Umaasa umano ang nasa 44% ng mga Filipino adults na sila ay naniniwala na kahit papaano ay aangat ang kanilang buhay sa darating na 12 buwan o isang taon. Ito ay batay naman sa survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) nitong araw. Sinasabing mula sa 1,440 respondents, nasa 44 […]