Pilipinas, hindi lumagda ng indemnification deal para sa COVID-19 vaccine na Sinovac
- Published on February 24, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI lumagda ang Pilipinas ng indemnification deal para sa COVID-19 vaccine sa Beijing-based Sinovac Biotech.
Ang indemnification agreement ay magsisilbing kalasag ng vaccine makers mula sa legal claims na magmumula sa kanilang emergency use.
At sa tanong kung ang mga awtoridad ay lumagda sa nasabing kasunduan sa Sinovac, ay mabilis na “No” ang sagot ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Aniya, ang Kongreso ay nakatakdang magpasa ng batas na magbibigay ng indemnity o bayad-pinsala sa mga vaccine makers at magpupundar ng pondo para bayaran ang “claims for damages” sa oras na makaroon ng adverse effects mula sa pagbabakuna.
“The law is applicable to all vaccines,” ang pahayag ni Sec. Roque.
Aabot sa 600,000 doses ng bakuna laban sa COVID-19 na gawa ng Sinovac Biotech ng China ang darating sa bansa ngayong linggo.
Ayon pa kay Sec. Roque, 100,000 doses ang donasyon ng gobyerno ng China sa Department of National Defense (DND) habang ang 500,000 doses naman ay ilalaan para sa medical frontliners.
Lumagda naman ang Pilipinas ng indemnity deal para makakuha ng COVID-19 vaccines mula sa US pharmaceutical giant Pfizer at United Kingdom’s AstraZeneca sa ilalim ng COVAX Facility.
Samantala, pinabulaanan ng Malakanyang na tanging Pilipinas lang ang bansa na hinihingan ng mga vaccine manufacturers ng indemnification agreement.
Ani Sec. Roque, walang katotohanan ang naturang impormasyon at nakasaad aniya sa COVAX Facility na sadyang kailangang magkaroon ng kasunduan sa panig ng COVAX, mga gumagawa ng mga bakuna, at ng mga bibigyan ng COVAX na talagang kinakailangang magkaroon ng indemnity agreement.
Ito ang pagbibigay ng danyos na babalikatin ng gobyerno at hindi ng manufacturer sakalit makitaan ng side effect ang isang nabakunahan.
Ganunpaman, inamin ni Roque na mas maingat ang mga manufacturers pagdating sa Pilipinas dahil sa naging kontrobersya tungkol sa Dengvaxia na bagama’t nabigyan ng General Use Authorization ay naharap ang Sanofi sa mga iba’t ibang mga kaso na kumalat sa mga drug manufacturers sa buong mundo.
Hindi naman nila maaalis sa mga multinational pharmaceutical companies na gumagawa ng bakuna na maging mas maingat pagdating sa Pilipinas. (Daris Jose)
-
Ads August 31, 2023
-
Kinabog ang early favorite na si Michelle: Pambato ng Pasay City na si CELESTE, kinoronahan bilang Miss Universe PH
ANG representative ng Pasay City na si Celeste Cortesi ang kinoronahan bilang Miss Universe Philippines 2022 sa SM Mall of Asia Arena noong Sabado ng gabi. Ang Kapuso actress-beauty queen na si Michelle Dee na kinatawan ang Makati City ay binigyan ng titulong Miss Universe Philippines Tourism. Samantalang si Miss Bohol Pauline Amelinckx ay […]
-
Ads November 12, 2020