• October 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pilipinas, humingi ng donasyong warship sa US para i deploy sa West Philippine Sea

HINILING ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa United States na mag-donate ng warship sa Philippine Sea, na nakatakdang i-deactivate sa 2025.

 

 

Ang apela ay ginawa ng mambabatas sa pamamagitan ng ipinadalang liham kina State Secretary Anthony Blinken, Defense Secretary Lloyd James Austin III at US Ambassador to Manila MaryKay Carlson.

 

 

Ayon kay Rodriguez, kung idodonate ng US government ang USS Philippine Sea sa Pilipinas ay magagamit ito ng gobyerno bilang suporta sa Navy at Coast Guard patrols sa paligid ng bansa kabilang na ang West Philippine Sea.

 

 

“I am sure that it will be a big asset in our efforts to defend our territorial waters, our sovereign rights, and our personnel and fishermen from intruders,” anang mambabatas.

 

 

Ang US warship ay isang Flight II Ticonderoga-class guided missile cruiser na nasa aktibong serbisyo sa US Navy.

 

 

Sinabi ni Rodriguez sa tatlong opisyal na ang USS Philippine Sea ay “named for the Battle of the Philippine Sea during World War II.”

 

 

Natapos nito ang ilang deployments nito bilang bahagi ng as Operation Enduring Freedom, ang official name na ginamit ng US government para sa global war laban sa terorismo mula 2001 hanggang 2014.

 

 

Ipinadeploy ito kamakailan sa eastern Mediterranean bilang tugon sa giyera ng Israel laban sa Hamas at encounters ng US sa Houthis.

 

 

Ang USS Philippine Sea ang nagligtas sa 26 Filipino crew members ng supertanker Brillante Virtuoso, matapos sunugin umano ng pirata gamit ang rocket-propelled grenades sa Aden, Yemen.

 

 

“With its historical background and its name being apropos and relevant to the current issue on our West Philippine Sea sovereign rights being illegally challenged by China, may I request that the USS Philippine Sea be donated to the Philippines,” nakasaad sa liham nito kina Blinken, Austin at Carlson. (Vina de Guzman)

Other News
  • Alice Guo, nagulat umano sa sitwasyon ng kaniyang selda nang una nitong makita ayon sa BJMP

    NAGULAT umano si dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo nang una niyang masaksihan ang sitwasyon sa seldang paglalagyan sa kaniya sa Pasig City Jail Female Dormitory, ayon yan sa Bureau of Jail Management ang Penology (BJMP).     Sinabi ni Jsupt. Jayrex Bustinera, spokesperson ng BJMP, maliban rito ay wala na silang natanggap na negative […]

  • Cool muna tayo- Sec. Roque

    PINAYUHAN ng Malakanyang ang publiko na manatiling kalmado at mangyaring hintayin na lamang ang pinal na report ng Commission on Audit (COA) matapos mapaulat na nakitaan ng komisyon ng ilang umano’y kakulangan sa tamang panghawak ng Department of Health (DoH) sa pondo para sa pandemya.   “‘Yung mga initial observation, nasasagot po iyan ng mga ahensiya .   […]

  • ‘Bayanihan para sa PGH,’ panawagan din ng Palasyo

    Ikinalulungkot ng Malacanang ang pagkasunog ng Philippine General Hospital (PGH) sa Lungsod ng Maynila bago mag-ala-1:00 ng madaling araw noong Linggo, May 16.     Kasabay nito ay nanawagan ng tulong si Presidential Spokesman Harry Roque para sa mga naapektuhan ng sunog.     We are saddened by the fire that hit a portion of […]