Pilipinas, kasama sa unang batch ng mga bansang makakabenepisyo sa vaccine donation ng Estados Unidos
- Published on June 2, 2021
- by @peoplesbalita
KABILANG ang Pilipinas sa first batch ng mga bansang mabibigyan ng vaccine donation ng Estados Unidos.
Sinabi ni Philippine Ambassador to US Jose Romualdez, naabisuhan na siya ng White House hinggil sa naturang inisyatibo ng amerika.
Iyon nga lamang ay hindi naman masabi ni Romualdez kung ilan mula sa 80 million doses na donasyon ng Amerika ang maibibigay sa Pilipinas.
Tiniyak ni Romuladez na puwede aniyang malaman sa linggong ito kung ilan ang maibabahaging donasyon sa Pilipinas at kung kailan sa pamamagitan na rin ng gagawing anunsiyo ni US President Joe Biden.
Ang hakbang na ito ng Amerika ay programa para sa mga nangangailangang bansa sa buong mundo at para sa mga kaalyado.
Siniguro ni Romualdez na “No strings attached” ang gagawing donasyon ng bakuna at ang naturang hakbang ani Romualdez ay paraan ng pagtulong ng Amerika sa mga bansang nangangailangan ng asiste sa gitna ng patuloy na paglaban ng buong mundo sa virus. (Daris Jose)
-
THE AUTOBOTS BATTLE A NEW BREED OF TRANSFORMERS IN NEW TRAILER FOR “RISE OF THE BEASTS”
UNITE or FALL. Watch the brand new trailer for Transformers: Rise of the Beasts. The epic action adventure from Paramount Pictures arrives in cinemas across the Philippines June 7. YouTube: https://youtu.be/Q36-envs5OU About Transformers: Rise of the Beasts Returning to the action and spectacle that have captured moviegoers around the world, Transformers: Rise of the Beasts […]
-
Ama, kinasuhan ng Human Trafficking ng NBI
SINAMPAHAN ng National Bureau of Investigation (NBI) ng kasong human trafficking ang isang ama matapos itong arestuhin sa aktong pagbebenta ng kanyang 11-buwang sanggol sa halagang P55,000. Kinasuhan sa Quezon City Prosecutor’s Office si Kenneth Crisologo na naaresto noong Setyembre 3 sa isinagawang entrapment operation ng mga ahente ng Special Task Force (NBI-STF) […]
-
Dumaan sa maraming pagsubok bago nag-tagumpay: SOFRONIO, first Filipino and Asian na nagwagi sa ’The Voice USA’
ANG Filipino singer na si Sofronio Vasquez ang kauna-unahang Pinoy at Asian na manalo sa ‘The Voice USA’. Dumaan sa maraming pagsubok so Sofronio bago niya narating ang The Voice USA stage. Kasama rito ang malayo siya sa kanyang pamilya. “The hardest thing that I did with this journey is being […]