• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Pilipinas maaaring ‘di magpadala ng athletes sa 2021 Vietnam SEA Games’

Maaaring hindi na umano magkapagpadala ng delegasyon ang Pilipinas sa nalalapit na 2021 Southeast Asian Games na idaraos sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2 sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Ito ay kapag magpatuloy na lumala ang sitwasyon sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic na pinoproblema hindi lamang sa Southeast Asia kundi kundi maging sa buong mundo.

 

 

Ang Team Philippines ang defending champion matapos na mag-host ang bansa noong 2019.

 

 

Sa panayam kay Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez, na siya ringng Chef de Mission ng Philippine team sa SEA Games, inamin nito na isa sa mga pinag-aaralang maging hakbang nila ay ang hindi pagpapadala ng mga Pinoy athletes ay dahil kaligtasan pa rin ang kanilang prayoridad.

 

 

”We’ve been doing lately were all for the preparation of our athletes because they really deserve our 100% support at malaking tulong din na ipagdasal natin sila para maabot nila ang kani-kanilang goal sa larangan ng sports” ani Commissioner Fernandez sa Star FM Bacolod.

 

 

Ngunit umaasa naman si Fernandez na matutuloy ang Tokyo Olympics dahil ito ang edisyon na may pinakamalakas na tsansa ang Pilipinas na makasikwat ng gintong medalya kung saan walo na ang Pinoy athletes na makakapaglaro na kinabibilangan nina pole vaulter ej obiena, artistic gymnast Carlos Yulo, at apat na boxers na sina Eumir Marcial, Irish Magno, Carlo Paalam at si 2019 AIBA Women’s Boxing World Champion Nesthy Petecio.

Other News
  • Ads May 19, 2022

  • MPBL, PSL, PBL propesyonal – Mitra

    DAPAT nang magpasailalim sa Games and Amusements Board (GAB) ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), Philippine SuperLiga (PSL) at Premier Volleyball League (PVL).   Gayundin kumuha ng playing professional license sa nabanggit na ahensiya dahil idineklara na ang tatlong liga na mga professional league sa joint resolution na nilas nitong Huwebes nang namamahala sa professional […]

  • NAVOTAS GRADS MAY CASH INCENTIVE

    NAKATANGGAP ng tig-P1,500 na cash incentives mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang nasa 505 na mga mag-aaral ng Navotas Polytechnic College (NPC) na nagtapos ngayon taon.     “Sa lalong madaling panahon, karamihan sa inyo ay sasali sa libu-libong bagong graduate na naghahanap ng trabaho. Sana ay makuha nyo ang mga trabahong pinapangarap nyo […]