Pilipinas, makikinabang sa bakunang dine-develop ng United Kingdom na posibleng malikha sa katapusan ng taon
- Published on October 31, 2020
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng United Kingdom na nakahanda silang maglaan ng kanilang dine- develop na bakuna sa COVID 19 para sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Philippine Ambassador to United Kingdom Antonio Lagdameo sa gitna ng aniyay magandang itinatakbo sa progreso ng pagtuklas ng UK ng COVID vaccine.
Ayon kay Ambassador Lagdameo, may binitiwan ng pangako ang UK na magkakaruon sila ng allotment ng bakuna para sa mga maliliit na bansa gaya ng Pilipinas.
Tinatayang 48 million pounds ang pakakawalan nilang finances para sa mga lower income countries gaya natin.
Sinabi pa nito na makatatlong beses na aniya nilang nakapulong ng ASEAN London Committee si Minister of State Nigel Adams ng Foreign Commonwealth and Development Office na may kinalaman sa dinedevelop nilang bakuna.
Ayon aniya kay Minister Adams, malaki ang posibilidad na sa katapusan ng taon o sa unang quarter ng 2021 ay may bakuna na “made in UK”. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Pangakong gagawing world class ang AFP muling iginiit ni PBBM
MULING inulit ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang kanyang pangako na gagawing modernisado ang Armed Forces of the Philippines (AFP) hanggang sa Ito’y maging world-class’. “Be assured that this Administration remains committed to transforming our AFP into a world-class force that is a source of national pride and national security,” ang sinabi […]
-
Bullying prevention campaign, ilulunsad ng DepEd
ILULUNSAD ng Department of Education (DepEd), sa pangunguna ng Child Protection Unit (CPU), ang Bullying Prevention Advocacy Campaign kaalinsabay ng National Children’s Month (NCM) ngayong Nobyembre. Ayon sa DepEd, may temang #KasamaKa: BaLiK-Aral (Boses, Lakas ng Kabataan at Komunidad sa Balik-Aral), pagtutuunan ng nasabing kampanya ang tatlong core aspects: KasamaAko (Adbokasiya Para sa […]
-
Ads September 12, 2022