• March 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pilipinas, mayroon nang mahigit 68.6 milyong registered voters sa 2025 NLE at BARMM parliamentary polls

UMAABOT na umano sa mahigit 68.6 milyon na ang rehistradong botante sa bansa para sa 2025 National and Local Elections (NLE), gayundin sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) parliamentary elections.

 

 

Batay sa datos na inilabas ng Commission on Elections (Comelec) kahapon, hanggang nitong Oktubre 31, 2024, mayroon nang kabuuang 68,618,667 rehistradong botante ang Pilipinas.

 

 

Sa naturang bilang, 33,690,884 ang mga lalaking botante habang 34,927,783 naman ang mga babaeng botante.

 

Ayon sa Comelec, ang registered voters sa Region 4A (Calabarzon) ay nasa 9,764,170; Region 3 (Central Luzon), 7,712,535 voters; National Capital Region, 7,562,858; Region 7 (Central Visayas), 4,407,337; at Region 5 (Bicol Region), 4,066,662.

 

 

Sumunod naman ang Region 1 (Ilocos Region), 3,651,539; Region 11 (Davao Region), 3,386,929; Region 8 (Eastern Visayas), 3,264,935; Region 10 (Northern Min­danao), 3,197,586; Region 6 (Western Visayas), 3,145,219; Negros Island Region (NIR), 3,069,836; Region 9 (Zamboanga Peninsula), 2,881,715; Region 12 (SOCCSKSARGEN), 2,709,058; BARMM with SGA , 2,368,404; Region 2 (Cagayan Valley), 2,364,249; Region 4B (Calabarzon), 2,064,160; Region 13 (CARAGA), 1,889,616; at Cordillera Administrative Region (CAR), 1,111,859.

 

Samantala, iniulat din naman ng Comelec na hanggang Setyembre 30, 2024, mayroong 532,837 applicant hits na natukoy sa pamamagitan ng Automated Fingerprint Identification System (AFIS) .

 

 

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ang mga natu­rang kaso ay isasailalim sa ‘removal of double or multiple registrants per AFIS.’ (Daris Jose)

Other News
  • Valenzuela, DSWD namahagi ng livelihood grants sa mga biktima ng sunog

    NAKATANGGAP ng Livelihood Settlement Grant (LSG) ang mga biktima ng sunog sa barangay Arkong Bato at Malinta mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian.     Ang LSG ay bahagi ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and […]

  • Los Angeles Lakers eliminated na sa NBA playoffs matapos pahiyain ng Phoenix Suns

    TULUYANG  naitsapuwersa sa play-in tournament ng NBA ang Los Angeles Lakers matapos na pahiyain ng Phoenix Suns, 121-110.     Para naman sa Suns napatibay pa ang hawak nitong record bilang best team sa liga nang maiposte ang ika-63 nilang panalo ngayong season.     Hindi pa rin kinaya ng Lakers na mapigilan si Devin […]

  • MARIS, pinagdududahan ng netizens kung may relasyon na sila ni RICO

    KAARAWAN ni Rico Blanco noong Miyerkules, pero more than his birthday, ang naging pagbati ni Maris Racal sa kanya ang napag-usapan.     Ang tanong ng netizen na ikinagulat ng halos lahat, “sila ba?”     Nag-post si Maris sa kanyang Instagram account ng picture ni Rico at ang ikalawang post niya, habang tinutugtugan siya […]