HINDI man pinalad na makasama sa sampung official entries para sa Metro Manila Film Festival 2023 ang pelikulang “In His Mother’s Eyes,” para sa kanila, blessing na rin na mauuna na itong mapanood ngayong November 29.
Pinagbibidahan nina Maricel Soriano, Roderick Paulate at LA Santos.
Si Maricel na siyang gumaganap na ina ni LA ay all-praises talaga rito, considering na debut movie niya ang ‘In His Mother’s Eyes’.
“I must say na dito po sa pelikulang ito, galing dito sa puso ko, siyempre, may galing kay Direk. May galing kay Roderick (Paulate), may galing sa lahat, ‘no, pero I must say, napakahusay po talaga ni LA dito sa pelikulang ito. Napakahusay niya.”
Talagang pinaghandaan ni LA at nag-research daw siyang talaga for his role as special child.
‘Yung mga ganito kasing tema, pwedeng meron mag-kuwestiyon sa totoong nakaka-experience.
“Hindi ko po kinalimutan na siyempre, unahin sila. Para sa kanila ang ginagawa kong ito. Ginawa ko po ang lahat. Nag-research po ako ng mabuti.
“At saka, nakipag-usap po ako sa mga mommy na may anak na special po. Gusto ko pong pasalamatan ang Best Buddies Foundation, sila po ang tumulong sa akin na mag-research pa po sa character ko po.
“At saka, kinilala ko rin po si Clarence, who is also a special kid po. Sinamahan ko lang po siya, pinakinggan ko lang ang kuwento ng buhay niya po. At saka, na-amaze po ako. Iba po ang puso nila. Grabe po ang pag-emphatize nila sa mga tao.
“At kapag sinabi pong nasa spectrum, hindi isa lang. It’s very, very wide. Bawat special kids po, iba-iba talaga. Bawat special kids po, special.
“Kaya buong puso po akong talaga na nagpapasalamat sa pelikulang ito kasi, gusto ko pong mabigyan ng justice ang mga special na tao at gusto ko pong maintindihan pa ng mga tao ang mga pinagdadaanan nila.”
***
ANG kakaibang storyline raw ng “Lovers/Liars” na collaboration ng Regal at GMA-7 ang isa raw ito sa dahilan kung bakit napapayag na gumawang muli ng teleserye ni Claudine Barretto.
“Parang naisip ko, iba naman siya sa lahat ng teleseryeng nagawa ko. Ever since talaga, ang forte ko is teleserye. So I grew-up with Direk Wenn Deramas hanggang sa magka-asawa ko, magka-anak, maghiwalay. So yung age ko at kung ano ang pinagdadaanan ng mga babaeng ka-age ko, ‘yun ang gusto kong gawin.
“And, ibang-iba siya kasi matapang and maraming sikreto na hindi mo makikita sa regular talaga na teleserye. So, ibang-iba siya sa mga ginawa ko.”
Talagang may love scene si Claudine with Yasser Marta at daring talaga ang role niya.
Pitong taon din daw nang huli siyang gumawa ng teleserye kaya masaya siya sa pagbabalik. This time rin daw, pumapayag na ang mga anak niya na magbalik talaga siya sa pag-arte.
Kung pitong taon na siyang hindi gumagawa ng teleserye, labing-isang taon naman na raw na wala siyang karelasyon, since naghiwalay sila ni Raymart Santiago.
Aminado si Claudine na nagka-trauma siya sa nangyari until now.
“Hindi naman sarado ang puso ko to love again, pero hindi ‘yon ang priority.”
Pero kung magmamahal daw siyang muli, kailangan daw na mas mahal ang mga anak niya kesa siya ang mas mahal.
“At the end of the day, sila pa rin ang number 1 at kung ma-in-love man ako, siya lang ang number 2,” sey niya.
Hindi pa rin pala annulled ang kasal nila ni Raymart.
Aniya, “Ongoing ang annulment namin. Pero, delay nang delay ang deadline ni Raymart for support. So, he’s trying to get custody. 16 years old na si Santino and 19 years na si Sabina. Hindi ko alam kung bakit gusto niyang kunin ang custody.”
Nang tanungin si Claudine kung sa palagay niya ba, wala ng chance na maging magkaibigan man lang sila, sinagot niya ito na, “Dati, oo… pero siguro, sa bagong relationship niya, hindi possible.
“Kasi, hindi maganda ang influence sa kanya, compared sa dati.”
Wala namang binanggit na pangalan si Claudine sa tinutukoy nitong bagong relationship ni Raymart at kung si Jodi Sta. Maria ba ito?
Sa Lunes, November 20 sa GMA Telebabad na ang simula.
(ROSE GARCIA)