Pinakamalakas na submarine ng US dumaong sa Guam
- Published on January 19, 2022
- by @peoplesbalita
NAGSAGAWA ng port visitation sa Guam ang isa sa tinaguriang “most powerful weapon” ng US Navy ang USS Nevada.
Isa itong Ohio-class nuclear-powered submarined na may kargang 20 Trident ballistic missiles at ilang mga nuclear warheads.
Dumaong ang nasabing submarine na tinawag nilang “Boomers” sa Navy base sa US Pacific Island terrirtory.
Ito ang unang pagbisita ng ballistic missile submarine sa Guam mula pa noong 2016 at ang ikalawang inanunsiyong pagbisita mula noong 1980.
Ayon sa US Navy na layon ng port visit ay para mapalakas ang kooperasyon sa pagitan ng US at mga kaalyado nito sa rehiyon.
Ipinapakita ng US ang kaniyang kapasidad, kahandaan at ang pagtiyak nito sa Indo-Pacific regional security and stability.
Kadalasan kasi na ang paggalaw ng mga 14 boomers ng US Navy ay isinisekreto kung saan lulan ito ng mahigit na 150 mga marino.
Sinasabing nagtatagal ito sa ilalim ng tubig ng 77 araw bago dumaong ng ilang buwan sa port para sa kaniyang maintenance.
Maraming mga analyst naman ang nagsabi na kaya ipinakita ng US ang kanilang submarine para idiin sa China ang kanilang kakayahan na ipagtanggol ang Taiwan at ilang mga bansa na sinasakop nila.
-
Matapos silang maghiwalay ni KC: GENEVA, ni-reveal na minsan nang tumira sa bahay nina KRIS at JAY-R
MUNTIK maging biktima ng panggagahasa ang Vivamax actress na si Aiko Garcia. Lahad ni Aiko, “Muntikan, muntikan! Mga ten years ago. Nasa grade school ako. Nagkataon lang na mag-isa ako sa house and good thing naman alert ako that time.” Kilala ni Aiko ang kapitbahay nila na nagtangka siyang halayin. “Sinadya niya, […]
-
State of calamity, idineklara ni Abalos sa apat pang lalawigan dahil kay Carina, Habagat
SINABI ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. na idineklara ang State of Calamity sa apat pang lalawigan kasunod ng pananalasa ng southwest monsoon na pinalakas ng bagyong Carina. Sa isinagawang ‘situation briefing on Carina’ kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi ni Abalos na maliban sa mga lungsod […]
-
Olympic ring pansamantalang tinanggal sa Eiffel Tower
PANSAMANTALANG tinanggal ng Paris ang Olympics logo na unang inilagay sa Eiffel Tower. Kasunod ito sa batikos na pagtalapastangan umano sa iconic landmark ng Paris na Eiffel tower. Sinabi ni Paris Mayor Anne Hidalgo na magsasagawa na lamang ito ng bagong Olympic rings at ibabalik ito sa sikat na landmark. Inilagay nito ang nasabing Olylmpic […]