• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinangunahan ni PBBM: KADIWA ng Pangulo, inilunsad na sa Cebu City

OPISYAL nang inilunsad sa pangunguna  ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ang “KADIWA ng Pangulo” sa Cebu City na layuning maipagpatuloy ang pagbibigay ng murang bilihin sa mga mamimili.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo,  sinabi  nitong naging popular ang Kadiwa ng Pasko at hinahanap aniya ito ng mga tao kaya’t minarapat nilang ipagpatuloy ang programa na ngayo’y tinawag ng KADIWA ng Pangulo.

 

 

Maliban aniya sa pagma-market ng agricultural  products sa KADIWA ng Pangulo ay mabibigyan din ng pagkakataon ang mga MSMEs para mai-market ang kanilang mga produkto.

 

 

Sa naturang aktibidad ay ibinalita rin ni Pangulong Marcos ang paglulunsad ng KADIWA para sa mga manggagawa.

 

 

Ito aniya  ay pagsasanib-puwersa ng Department of Labor and Employment , DTI at Department of Agriculture sa gitna na rin ng target nilang lalo pang paramihin ang Kadiwa na ngayon ay nasa 500 na. (Daris Jose)

Other News
  • Ads April 29, 2021

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 13) Story by Geraldine Monzon

    HINUBAD ni Roden ang kuwintas na nakasuot kay Angela at pinalitan iyon ng bagong kuwintas na binili niya para rito. Siya mismo ang nagsuot sa leeg nito. Unti-unting namang bumaba ang tingin ni Angela mula sa pagtanaw sa labas ng bintana hanggang sa nakalapag na kuwintas sa papag. Tila ba may nais itong ipaalala sa […]

  • Mag-asawang Dela Cruz papalaso sa SEA Games

    BUO na pala ang national men’s and women’s archery team na mga tutudla sa 31st Southeast Asian Games 2022 sa Hanoi, Vietnam na nakatakda saa parating na Mayo 12-23.     Gigiyahan ng mag-asawang Paul Marton at Rachelle Anne Dela Cruz ang koponang puntiryang mahigitan ang nag-iisang gold medal na nakamit ng bansa nang huling […]