Pinas 2nd sa vaccination rollout sa Southeast Asia
- Published on May 25, 2021
- by @peoplesbalita
Pumangalawa na ang Pilipinas sa estado ng ‘vaccination rollout’ sa Southeast Asia makaraang umakyat na sa 4,097,425 doses ang naipamahagi sa mga mamamayan, ayon sa National Task Force Against COVID-19 nitong Linggo.
Sa datos mula sa Bloomberg World Data, nasa 4,097,425 kabuuang doses ng bakuna ang naibigay sa publiko ng Pilipinas habang nangunguna ang Indonesia sa 24,723,728 doses.
Nalagpasan na ng Pilipinas ang Cambodia (3,673,639) na nasa ikatlo at ang Singapore (3,407,068) na nasa ikaapat na puwesto na lamang habang nasa ikalima ang Myanmar (2,994,900).
Nasa ika-13 ranggo ang Pilipinas sa 47 bansa sa Asya at ika-37 mula sa 196 bansa sa buong mundo.
Mahigit 4 milyong Filipino na rin ang nabakunahan sa buong bansa o 949,939 ang ‘fully-vaccinated’ na habang 3,147,486 naman ang nakatanggap na ng kanilang unang dose. (Daris Jose)
-
Kenyan runner Ruth Chepngetic nagtala ng world record
NAGTALA ng world record si Kenyan runner Ruth Chepngetic. Naganap ito sa women’s marathon sa Chicago kung saan nakumpleto nito ang course sa loob ng 2:09:56 na siyang unang babae na nakagawa ng 2:10 barrier. Nahigitan nito ang dating record na 2:11:53 na naitala ni Tigist Assefa ng Ethiopia noong Setyembre […]
-
LTFRB: 70% PUV capacity pa rin sa NCR
Ang kapasidad ng mga public utility vehicles (PUVs) sa National Capital Region ay mananatili pa rin sa 70 porsiento ngayon kapaskuhan kahit na ang Metro Manila ay nasa “very low” risk ng klasipikasyon. Isang memorandum circular ang nilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may updated na guidelines para […]
-
Ads June 14, 2023