• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, bahagi na ng ‘VIP Club’

BAHAGI na ng ” VIP Club” ang Pilipinas, listahan ng Southeast Asian countries na may best-performing economy.

 

 

Sinabi ni  Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. na binansagan ng economic leaders sa World Economic Forum (WEF) ang Pilipinas bilang bahagi na nga ng “VIP Club.”

 

 

Tinuran ng Pangulo na ang partisipasyon ng Pilipinas sa  WEF sa Davos, Switzerland ay nagsilbing  “excellent platform” para ipakita ang “strong performance” ng ekonomiya ng Pilipinas.

 

 

“Mabuti naman at nakapunta tayo rito, dahil sa pagpunta natin, nasama tayo sa tinatawag nilang VIP Club… ‘Yung VIP Club ay Vietnam, Indonesia, and Philippines. Yun daw ang pinakamagandang ekonomiya sa Asya,” ang wika ng Pangulo.

 

 

Ani Pangulong Marcos, nagawa rin niyang makapulong ang global leaders sa global forum, kasama ang ilang foreign investors na nagpahayag ng kanilang hangarin na mag- explore ng business opportunities sa bansa.

 

 

“Napakaganda ng mga naging pangyayari dahil napakarami naming nakilala at nakausap na mga sikat na mga economic leaders at mga political leaders at nandito silang lahat,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.

 

 

Nakapulong ng Pangulo si WEF Founder and Chairman Emeritus Klaus Schwab, kung saan itinuring niyang  “a dear friend of the Philippines.”

 

 

Pinag-usapan ng dalawa ang “partnerships and collaboration” para tulungan ang Pilipinas na mapanatili ang  “equitable and inclusive growth” at makapagbigay ng maayos na buhay para sa mga Filipino.

 

 

Nagkaroon naman ng oportunidad ang Pangulo na makapulong at makapalitan ng pananaw ang ilang lider ng bansa at organisasyon gaya nina World Trade Organization (WTO) Director-General Ngozi Okonjo-Iweala, World Bank Managing Director for Operations Axel Van Trotsenburg, International Monetary Fund (IMF) Managing Director Kristalina Georgieva, at dating former United Kingdom Prime Minister Tony Blair.

 

 

“The process that we undertook really in Davos was not simply to highlight the new situation, the new economic situation, the new policies, and the new concepts that we are promoting in the Philippines today, but also to learn from the world leaders and the world economic leaders what part the Philippines can play in this fragmented world,” ayon sa Chief Executive sa kanyang arrival speech.

 

 

“That was the main theme in this entire forum. [It] is how we bring back cooperation in a fragmented world. And we are seen to play a part in that and especially as a member state of ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) and as a leading economy in Asia,” ang pahayag ng Pangulo.

 

 

Sa naging pagbisita ng Pangulo sa Davos, binigyang-diin ng Pangulo ang mga polisiya ng administrasyon kabilang na ang Philippine Development Plan,  8-Point Socioeconomic Agenda, at iba pang “policies and legislations”   na siyang nagsilbing “spotlight” ng economic reforms ng Pilipinas dahilan para mapanatili ang paglago nito. (Daris Jose)

Other News
  • Lider at mga miyembro ng Socorro Bayanihan Service Inc. sinampahan na ng 21 kaso – DOJ

    SINAMPAHAN  na ng Department of Justice ng kasong kriminal sa korte sa Surigao laban sa mga miyembro ng Soccoro Bayanihan Service Inc.     Ayon kay Justice Secretary Jesus Remulla na ang mga kasong isinampa ay kinabibilangan ng Qualified Trafficking in Persons, Facilitation of Child Marriage, Solemnization of Child Marriage at Child abuse laban kay […]

  • “THE WOMAN KING” TO WORLD PREMIERE AT THE 47TH TORONTO FILM FESTIVAL

    September 5, 2022 — TIFF (Toronto International Film Festival) is excited to announce that TriStar Pictures’ The Woman King starring Viola Davis will have its World Premiere at the 47th edition of the Festival this week.     [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/Urnw1iqXI9E]     The Woman King is the remarkable story of the Agojie, the all-female unit […]

  • DA, tiniyak ang mas maraming tulong matapos na sumirit sa P3-bilyon ang pinsala sa agrikultura

    MINAMADALI na ng Department of Agriculture (DA) ang pagbibigay ng tulong sa mga apektadong magsasaka at mangingisda matapos na umabot sa P3 bilyon ang pinsala na dulot ng Tropical Storm Agaton.     Sa Laging Handa public briefing, tinukoy ni Agriculture Undersecretary Fermin Adriano na ang DA ay nakapag-secure na ng five assistance deliveries sa […]