Pinas, handa kay Mawar
- Published on May 27, 2023
- by @peoplesbalita
NAKAHANDA ang gobyerno sa posibleng epekto ng Super Typhoon Mawar sa oras na pumasok na ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naghahanda ang pamahalaan para sa posibleng epekto ng bagyo sa hilagang bahagi ng bansa at maging sa iba pang lugar.
“Pinaghahandaan din natin ang magiging epekto nito hindi lamang sa hilagang bahagi ng bansa, kundi sa lahat ng lugar na posibleng maapektuhan ng bagyo,” ayon kay Pangulong Marcos.
Sa katunayan, nakipagpulong si Pangulong Marcos kay Defense officer-in-charge Undersecretary Carlito Galvez kung saan tiniyak nito na may nakahanda ng budget at food packs.
Nakahanda na rin aniya response teams at local government units sakali’t tumama na ang bagyo sa kanilang lugar.
“Sa pulong kasama si DND [USec.] Carlito Galvez, siniguro natin na naka pre-position ang pondo at food packs, naka-standby ang response teams, at handa na ang mga LGU sa mga lugar na tatamaan ng bagyo,” aniya pa rin.
Tinuran pa ng Punong Ehekutibo na may posibilidad na may dalang matinding pag-ulan at pagbaha ang bagyong Mawar sa ilang lugar sa bansa kabilang na ang Visayas region.
“May posibilidad na hilahin ng bagyo ang Hanging Habagat na magdadala ng matinding pag-ulan at magreresulta sa pagbaha sa ilang bahagi ng bansa sa Luzon hanggang Visayas,” ang wika ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)
-
Napaulat na hacking sa Comelec data, iimbestigahan ng DICT cyber security bureau
MAGSASAGAWA ng sariling imbestigasyon ang Department of Information and Communications Technology (DICT) hinggil sa di umano’y hacking incident sa Commission on Elections’ (Comelec) data. Sa katunayan, ipinag-utos ni Acting Secretary Emmanuel Rey Caintic sa Cybersecurity Bureau ng departamento na magsagawa ng sarili nitong imbestigasyon ukol sa napaulat na hacking sa data ng komisyon. […]
-
HIRIT NI CAYETANO NA MAGBITIW SA PUWESTO, TINANGGIHAN NG MGA KONGRESISTA
TINANGGIHAN ng mga kongresista ang hiling ni Speaker Alan Peter Cayetano na magbitiw bilang lider ng mababang kapulungan ng Kongreso. Sa botohang naganap, 184 kongresista ang nagsabing tutol sila sa pagbibitiw ni Cayetano bilang Speaker ng Kamara, 1 naman ang pumabor at 1 abstention. Sa kanyang privilege speech sinabi ni Cayetano na hindi […]
-
2 most wanted persons sa Valenzuela, timbog
BINITBIT sa selda ang dalawang most wanted persons matapos maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operations sa Valenzuela at Caloocan Cities. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr na dakong alas-12:50 ng Biyernes ng madaling araw nang maaresto ng […]