• June 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, handang makatrabaho ang Tsina para resolbahin ang alitan – Bersamin

HINDI na paabutin pa ng Pilipinas sa mas mataas na international body ang pinakabagong insidente sa Ayungin Shoal.

 

 

Ito ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin kasabay ng kahandaan ng Pilipinas na makatrabaho ang Tsina para resolbahin ang alitan.

 

 

Tinanong kasi si Bersamin sa press briefing sa Malakanyang kung kinokonsidera ng gobyerno na idulog ang usapin sa global body.

 

 

“That’s not yet in consideration because I think this is a matter that can easily be resolved very soon by us. And if China wants to work with us, we can work with China,” ang sinabi ni Bersamin.

 

 

Winika pa ni Bersamin, chairman ng National Maritime Council (NMC) na hindi pinag-usapan ng body ang panawagan na Mutual Defense Treaty (MDT) sa nangyari ng second meeting, araw ng Biyernes.

 

 

Gayunman, inanunsyo ng NMC ang naging rekomendasyon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa pagpapatuloy ng “routinary at regular rotation and reprovision (RORE) missions sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa kabila ng nakagagalit na aksyon ng Tsina.

 

 

Aniya, ang anunsyo para sa RORE missions ay gagawin bago pa ito isagawa.

 

 

Hindi naman kinokonsidera ng gobyerno ng Pilipinas ang insidente bilang armed attack, ayon kay Bersamin sabay sabing “it may be a misunderstanding or an accident.”

 

 

Napaulat na may 8 Filipino servicemen ang nasugatan sa nangyaring June 17 hostile incident. Subalit, nilinaw ng NMC na isa lamang ang nasaktan.

 

 

“The Council recognizes a peaceful, stable, and prosperous West Philippine Sea (WPS) and South China Sea (SCS) is still a distant reality,” ayon pa rin kay Bersamin.

 

 

Tinuran pa nito na pumayag ang Konseho sa policy recommendations para sa konsiderasyon ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)

Other News
  • Tatay ni Dr. Yumol na suspek sa Ateneo shooting incident patay

    PATULOY ang imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) sa nangyaring pamamaril sa Lamitan City sa Basilan na ikinasawi ng tatay ni Dr. Chao Tiao Yumol na si Rolando Yumol sa harap ng dating clinic ng duktor na matagal nang ipinasara.     Apela ni PNP PIO Chief Police Brig. Gen Augustus Alba sa publiko, tigilan […]

  • 2023 URBAN GOVERNANCE EXEMPLAR AWARDS NASUNGKIT NG NAVOTAS

    HUMAKOT ng mga parangal ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ginanap na 2023 Urban Governance Exemplar Awards ng Department of the Interior and Local Government–National Capital Region (DILG-NCR).     Nakuha ng Navotas ang High Functionality ratings para sa Anti-Drug Abuse Council at Peace and Order Council. Nakakuha rin ito ng Ideal Level of Functionality […]

  • DOLE ‘aprub’ sa boluntaryong face masks sa pribadong sektor

    Papayagan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang optional na pagsusuot ng face maskslaban sa COVID-19 sa lugar ng trabaho kahit sa indoor settings, ito matapos maglabas kagawaran ng mga panuntunan kaugnay nito.     Sa kanilang Labor Advisory 22, Miyerkules, inilinaw ng DOLE ang guidelines patungkol sa “voluntary wearing of masks in workplaces.” Ito’y […]