• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, iginiit ang karapatan na mag-patrol sa Scarborough Shoal sa gitna ng panibagong akusasyon ng Tsina

MAY karapatan ang Pilipinas na mag-patrol sa  Scarborough Shoal matapos akusahan ng Tsina ang Philippine military ship ng ilegal na pagpasok sa nasabing lugar. 
Sinabi ni National Security Adviser Eduardo Año na ang ginagawa ng China  ay“overhyping” ang insidente at pinaiinit  lamang ang tensyon sa Pilipinas.
“Under international law, the Philippines has every right to patrol the length and breadth of the West Philippine Sea which necessarily includes Bajo de Masinloc which is well within the country’s Exclusive Economic Zone (EEZ),” ayon kay Año, gamit ang lokal na pangalan ng  Scarborough Shoal.
“China is again over hyping this incident and creating unnecessary tensions between our two nations,” dagdag na pahayag nito.
Dahil dito, hinikayat ni Año ang China  na “act responsibly,  sumunod sa international laws, at tigilan na ang agresibo at ilegal na aksyon sa Philippine waters.
“We urge China to act responsibly, respect UNCLOS, adhere to the 2016 Arbitral Ruling, promote the rules-based international order, and stop its aggressive and illegal actions in PH waters,” ayon kay Año.
Ang UNCLOS ay  ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea, kinokonsiderang konstitusyon sa karagatan.
Winika pa ni Año na ang Philippine ship PS39 ay nagsagawa ng  routine patrol operations sa pangkalahatang bisinidad ng  Bajo de Masinloc “without any untoward incident.”
“It did not illegally enter any space under Chinese sovereignty because Bajo de Masinloc is part of the PH archipelago and EEZ,” ayon kay Año. (Daris Jose)
Other News
  • PAOLO, matapang na tinanggap ang hamon ng nudity at frontal exposure sa launching movie na ‘Lockdown’

    NAG–TRENDING sa Twitter ang trailer ng Revirginized, ang upcoming movie ni Megastar Sharon Cuneta, under the direction of Darryl Yap.     Lumabas ang trailer last Sunday and for sure, marami ang na-curious dito kaya nag-trending. Nang unang lumabas ang balita na may gagawin movie si Sharon with Daryl Yap ay marami ang nagulat, especially […]

  • Valenzuela, DA pinangunahan ang pagbubukas ng AMVA Kadiwa Store

    PORMAL na binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian at ng Department of Agriculture (DA) sa pangunguna ni Assistant Secretary Christine Evangelista ang Kadiwa Store ng Alyansa ng mga Mamamayan ng Valenzuela (AMVA) Multipurpose Cooperative sa Barangay Ugong.     Ang Kadiwa Store ng AMVA Multipurpose Cooperative ay nabuo sa […]

  • Pagdating sa bansa ng bakuna laban sa Covid-19 ngayong buwan, V-day gift para sa mga Filipino- Sec. Roque

    ITINUTURING ng Malakanyang na Valentine’s gift sa mga mamamayang Filipino ang inaasahang pagdating ng bakuna laban sa Covid -19 sa bansa at pagsisimula na maiturok ito sa mga itinuturing na frontliners.   Kasama sa numero unong prayoridad ang mga nagtratrabaho sa mga pampubliko at pribadong health facilities, ospital, contact tracers ng mga local government units […]