• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, inalis na ang negative COVID test requirement para sa inbound travelers

HINDI na kailangan pang magpakita ang lahat ng fully-vaccinated inbound travelers ng pre-departure COVID-19 negative test sa kanilang pagdating sa Pilipinas.

 

 

 

Ayon sa Department of Tourism (DOT), nauna nang inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for COVID-19 response ang pagbasura sa travel requirement.

 

 

 

Sa ilalim ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) Resolution 168, ang lahat ng mga biyahero, edad 18 pataas at fully-vaccinated o nakatanggap na ng booster shot –ay exempted na mula sa required na negative test proof.

 

 

 

Sakop din ng exemptions ang mga biyahero na ang edad ay 12 hanggang 17 na nakatanggap na ng kanilang primary COVID-19 vaccines, at iyong 12 taon pababa na bumi-byahe kasama ang kanilang mga magulang o guardians na fully vaccinated.

 

 

 

“We are glad that the propositions we have worked on have been approved by the IATF-EID and are now up for implementation. As we make it more convenient for tourists to visit the country, the public’s health and safety will remain the DOT’s priority,”ayon kay Tourism Secretary Berna-Romulo Puyat.

 

 

 

“The DOT sees this development as a win for the local tourism industry as welcoming more tourists in the country will yield more revenues for our MSMEs and restore more jobs and livelihoods in the sector,” dagdag na pahayag nito.

 

 

 

Sa kabilang dako, ang travel insurance ay hindi na rin ire-require subalit hinihikayat.

 

 

 

Sa pinakahuling data mula sa DOT, makikita na may 517,516 foreign tourist ang naitalang dumating sa bansa mula Pebrero 10 hanggang   Mayo 25, 2022.

 

 

 

Sa nasabing bilang 104,589 ang nagmula sa Estados Unidos; 28,474 mula South Korea; 24,337 mula Canada;  23,286 mula Australia; 20,846 mula Britain; at 13,373 mula Japan.

 

 

 

Ang iba pang foreign visitors sa Pilipinas sa mga unang buwan ng taon ay kinabibiulangan ng Vietnamese, Singaporeans, Malaysians, Italians, Irish at French. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Kalituhan sa ‘window hours’, nilinaw ng MMDA

    NILINAW  ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang polisiya sa ‘window hours’ na ipinapatupad sa provincial buses na nagdulot ng kalituhan sa publiko.     Sinabi ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes na batay sa umiiral na polisiya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), lahat ng provincial buses ay dapat lamang na magbaba […]

  • Ads April 1, 2021

  • Disney Animation’s “Strange World” – All-New Featurette Now Available

    A new featurette is now available for Walt Disney Animation Studios’ action-packed adventure “Strange World,” revealing how the voice cast describes the upcoming feature: crazy, bizarre, adventurous, mysterious, thrilling, mind-blowing and, of course, strange.     Watch the featurette below:     Featured stars include Jake Gyllenhaal, who lends his voice to Searcher Clade, a […]