• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, kaisa ng Ukraine sa pahahanap ng kapayapaan

NAKIISA si President Ferdinand  Marcos Jr. kay  Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy sa hangarin ng huli na “search for peace” sa gitna ng pag-atake ng Russia sa  Ukraine.

 

 

Ang pangako na ito ni Pangulong  Marcos ay nangyari sa isang  phone call  kay Zelenskiy.

 

 

“I had the pleasure of talking to Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy yesterday. I told him that we in the Philippines are watching with admiration, the bravery and the nationalism that has been displayed by the Ukrainians during this crisis and that we join in his effort to reach a peaceful resolution to the ongoing conflict in his country,” ayon kayPangulong Marcos  sa kanyang tweet, araw ng Martes.

 

 

“Mr. President, we are with you in your search for peace,” ang winika ng Pangulo kay Zelenskiy.

 

 

Nagpahayag naman ng pasasalamat si  Zelenskiy  kay Pangulong Marcos “for supporting the sovereignty and territorial integrity of Ukraine.”

 

 

Sinabi ni Ukrainian leader  na pinag-usapan nila ni Pangulong Marcos ang mas lalo pang palaliminin ang pagtutulungan partikular na sa international platforms.

 

 

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na wala namang magigng problema sa gobyerno ng Pilipinas na makaugnay si  Zelenskiy, at suportado nito ang  “any effort toward peace.”

 

 

Matatandaang naglunsad ang Russia ng full-scale invasion sa Ukraine noong Pabrero 24, 2022, para kay President Vladimir Putin ito ay iang “special military operation” para “de-Nazify” ang bansa.

 

 

Binatikos naman ng  maraming bansa kabilang na ang PIlipinas an ginawang pananakop na ito ng Russia sa Ukraine. (Daris Jose)

Other News
  • New Zealand pinakain ng alikabok ang India

    MADALING  iniligpit ng New Zealand ang India, 95-60, para walisin ang labanan sa Group A sa first window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers kahapon sa Smart Araneta Coliseum.     Ipinoste ng mga Kiwis ang 3-0 record matapos talunin ang Gilas Pilipinas, 88-63, noong Linggo habang una nilang pinadapa ang India, 101-46, noong […]

  • Expansion ng PGH, itinulak ni Bong Go

    ISINULONG ni Senator Christopher “Bong” Go, chair ng Senate committee on health and demography, ang legislative bill na naglalayong dagdagan ang bed capacity ng Philippine General Hospital (PGH).     Mula sa kasalukuyang 1,500 beds nais ni Go na gawing 2,200 bed capacity ang PGH bilang bahagi ng ang kanyang layunin na palakasin ang imprastraktura […]

  • Pagsa-surfing ni YASSI, malaking tulong para mabalanse ang kanyang mental health

    DALAWANG taon ding hindi gumawa ng teleserye si Lauren Young dahil naging malaking issue sa kanya noon ay ang kanyang katawan.   Sa dalawang huling teleserye ni Lauren sa GMA na Hiram Na Anak at Contessa, kapansin-pansin ang paglaki ng katawan niya at nagdala raw iyon ng malaking insecurity sa kanya.   Pero ngayon ay […]