Pinas, kinokonsidera ang FTA kasama ang US sa cyberspace, digital tech; trade deal sa Japan
- Published on April 17, 2024
- by @peoplesbalita
KINOKONSIDERA ng Pilipinas na magkaroon ng bilateral free trade agreement (FTA) kasama ang United States (US) ukol sa cyberspace at digital technology.
Sa isang panayam sa Washington DC, sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na ang plano ng Pilipinas na magkaroon ng FTA kasama ang Estados Unidos sa dalawang larangan ay bahagi ng “renewed interest to further enhance trade and economic cooperation” ng dalawang bansa.
“Well, on specific areas… probably in the cyberspace, for instance, or in the digital technology, and of course, there are many other areas that I think we can work with the United States on having this,” ang sinabi ni Romualdez nang tanungin sa posibilidad na FTA kasama ang Estados Unidos.
“As I said, the United States is committed itself into really helping – well, I wouldn’t want to put it helping, but looking at the Philippines as really a major investment hub for many American companies,” aniya pa rin.
Para kay Romualdez, mas masigasig ang Estados Unidos na puntiryahin ang ‘specific sectors’ para sa posibleng FTA.
Sinabi pa ni Romualdez na ang nakatakdang Indo-Pacific Economic Framework for Prosperity (IPEF) meeting na gagawin sa Maynila sa susunod na buwan ay makapagbibigay ng “clearer picture” sa direksyon ng economic setup ng dalawang bansa.
“But the Indo-Pacific Economic Framework, which the United States has initiated, of which we are one of the founding members of that economic framework, is looking at including the entire ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) region,” ang pahayag ni Romualdez.
Winika pa ni Romualdez na susundan pa ng gobyerno ng Pilipinas ang nakalipas na pulong nito kay US Commerce Secretary Gina Raimondo, partikular na sa potential investors na papasok sa bansa.
Idinagdag pa nito na tinitingnan din ng Pilipinas ang kahalintulad na ugnayang pangkalakalan sa Japan.
Samantala, inaasahan naman ng Pilipinas ang USD100 billion na investments sa susunod na lima hanggang sampung taon bilang resulta ng makasaysayang trilateral meeting ni Pangulong Marcos kina US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Washington DC.
Inaasahan din ng Pangulo na makapupulong niya ang mga business leaders sa Estados Unidos sa sidelines ng kanyang trilateral summit kasama sina Biden at Kishida para makapanghikayat ng mas marami pang foreign investments. (Daris Jose)
-
Kelot pinagbabaril sa Navotas, sugatan
SUGATAN ang isang 26-anyos na lalaki matapos pagbabrilin ng dalawang salarin habang naglalakad ang biktima pauwi sa Navotas City, kahapon ng madaling araw. Isinugod sa Tondo Hospital para magamot ang tinamong tama ng bala ng baril sa kaliwang hita ang biktimang si Jeffrey Antonio, 26 ng 269 Roldan St., Brgy. Tangos Navotas South. […]
-
Sobrang saya sa billboards nila ni Gela: SYLVIA, forever grateful and thankful sa Kapamilya Network
FOREVER grateful and thankful ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez sa Kapamilya Network, ang kanyang mother studio simula pa noong 1997. Sa kanyang Instagram post, kasama ang photos nila ng asawang si Papa Art Atayde, ang magkasintahan na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo. Ang mga larawan ay makikitang kuha sa rooftop […]
-
Umapela sa TikTok sa hanapin ang netizen: HEART, napikon sa komento na ‘wala kasing anak’ kaya maganda
HINDI naitago ng fashion icon at aktres na si Heart Evangelista ang pagkapikon sa isang netizen na nag-comment sa kanyang TikTok account. Nag-comment ang TikTok user ng, “wala kasing anak” sa recent video ni Heart, at hindi nga ito pinalampas ng Kapuso star at sinagot ang naturang komento. “Wait lang ha, […]