• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, kinondena ang umiinit at umiigting na labanan sa Israel

KINONDENA ng gobyerno ng Pilipinas,  ang nagpapatuloy na labanan sa  Israel.

 

 

Tiniyak ng gobyerno  mahigpit itong nakikipag-ugnayan sa  Philippine Embassy sa Tel Aviv para tiyakin ang kaligtasan ng mga  Filipino.

 

 

“The Philippines condemns the attacks, especially against civilian populations,” ayon sa  Office of the President (OP) kasunod ng sorpresang pag-atake ng Hamas group laban sa  Israelis na sa huli ay nakipagsabayan na rin ang Israeli forces laban sa Palestine group.

 

 

“The Philippines conveys its deepest sympathies and condolences to those who have lost family members and loved ones in recent attacks,” ayon sa kalatas.

 

 

“The Philippines understands the right of states to self-defense in the light of external aggression as recognized in the United Nations Charter,” dagdag nito.

 

 

Sa hiwalay na kalatas, sinabi ni  Presidential Communications Office (PCO)  na inatasan ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. ang gobyerno na mahigpit na makipag-ugnayan sa embahada ng  Tel Aviv at  Migrant Workers Office sa Israel at  tulungan ang mga Filipino na apektado sa nagpapatuloy na labanan.

 

 

Kaagad na inatasan ang dalawang tanggapan na  kagyat na hanapin at  bilangin ang lahat ng  overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang pamilya sa  Israel.

 

 

Samantala, nagbukas naman ang Department of Migrant Workers ng hotline hotline, Viber and WhatsApp numbers na tatanggap sa tawag at tanong mula sa  OFWs at  Filipino community  na nangangailangan ng tulong mula sa pamahalaan.

 

 

Sa ulat, tinitingnan pa ng Philippine Embassy sa Tel Aviv ang “unconfirmed reports” na ilang Filipino umano sa Israel ang dinukot sa kasagsagan ng bakbakan sa pagitan ng Israeli troops at grupong Hamas.

 

 

Ayon sa embahada, kasalukuyan pa nilang biniberipika ang ulat.

 

 

Kinumpirma naman ni Israeli Ambassador Ilan Flus na mayroong kinidnap ang Palestinian Islamist group na Hamas kabilang dito ang isang Thailander subalit wala silang natanggap na ulat kung may Pinoy na kasama dito.

 

 

Nanawagan naman si Department of Foreign (DFA) Undersecretary for Migrant Affairs Eduardo Jose de Vega sa mga Filipino na may kamag-anak sa Israel na kaagad ipagbigay alam sa kanila kung mayroong silang mga kaanak na hindi na makontak.

 

 

Sinabi naman ni Overseas Workers Welfare Administrator (OWWA) Arnel Ignacio na nakatutok sila sa tinatayang 200 OFW na nakabase sa Gaza strip kung saan nagpaulan ng rockets ang Hamas.

 

 

Sinabi naman ni De Vega na handa ang DFA na magsagawa ng repatriation sa sandaling hilingin ito ng mga OFW sa Israel at kung kinakailangan na.

 

 

Simula kahapon ay isinara na rin ang embahada ng Pilipinas sa Israel at maaring tumawag na lamang sa emergency number +972-54-4661188.

 

 

Sa kasaysayan ng ­Israel, ito na ang pinakamalaking pag-atake ng ginawa ng Hamas sa nakalipas na ilang taon kung saan tinatayang 250 katao sa Israel ang nasawi.

 

 

Dahil dito kaya nagdeklara ng “state of war alert” ang nasabing bansa habang nangako naman si Prime Minister Benjamin Netanyahu na gaganti sa nasabing teroristang grupo. (Daris Jose)

Other News
  • Mga empleyado ng mga rail lines dumarami ang kaso ng COVID 19

    Dumarami ang mga empleyado ng tatlong (3) rail lines ang mga nag positibo sa ginagawang malawakang testing ng COVID 19 na pinagutos ng Department of Transportation (DOTr).     Mula sa dating datus na 428 noong nakaraang Linggo, pumalo na ang mga positibong kaso sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), Light Rail Transit Lines […]

  • Diskriminasyon laban sa mga estudyanteng Moro, kinondena

    KINONDENA ng mga Muslim na mambabatas ang hinihinalang profiling ng Philippine National Police (PNP) sa mga mag-aaral na Muslim at inilarawan ito bilang lantad na uri ng diskriminasyon.   Isang talaan ang pupunan ng mga ito ukol sa detalye ng bawat estudyante tulad ng grade level, gender at total na bilang ng Muslim students sa […]

  • 40.7 init, posible hanggang Mayo – PAGASA

    DAHIL sa patuloy na epekto ng El NIño phenomenon o panahon na walang ulan at summer season, tinaya ng PAGASA na papalo mula 40.3 hanggang 40.7 ang temperatura sa Northern Luzon  hanggang sa katapusan ng Mayo.       Sinabi ni Dra. Ana Solis, hepe ng Climate Monitoring and Prediction ng PAGASA, nakapagtala na ang […]