Pinas, maaaring makatanggap ng 30 milyong doses ng Novavax vaccine
- Published on March 13, 2021
- by @peoplesbalita
MAAARING makatanggap ang Pilipinas ng 30 milyong doses ng India-manufactured coronavirus vaccine mula sa American firm Novavax sa second quarter o third quarter ng taon sa oras na malagdaan na ang kasunduan.
Sinabi ni Ambassador Shambhu Kumaran na ang usapan sa pagitan ng Indian officials at ni Philippine vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. para sa supply ng Novavax vaccines ay isinasagawa na.
“The discussions are essentially underway for 30 million doses and I believe that the Philippine side is interested in a larger number and that detail is being currently negotiated,” ani Kumaran.
Aniya, ang negosasyon para sa Novavax vaccine ay “pretty much a done deal.”
“We’re very hopeful that this vaccine can reach early in the third quarter or in the late second quarter of this year. It will provide the backbone for the Philippines’ vaccination effort in the second half of this year,” dagdag na pahayag nito.
Maliban sa Novavax doses, pag-uusapan din ng Pilipinas at India ang 8 milyong doses ng Covaxin na dinivelop ng Indian firm Bharat Biotech.
“The advantage of Bharat is that we could potentially start supplies in late April or in May so that will be a useful supplement to some of the vaccine supplies that are coming into the Philippines,” ani Humaran.
“The third pipeline is, potentially, which is still to be determined because there are licensing issues to be addressed, AstraZeneca sourced from Serum Institute also,” pahayag pa nito.
Ang Serum Institute of India ay ang pangunahing manufacturer ng AstraZeneca vaccines. (Daris Jose)
-
House Bill (HB) 8525, o ang panukalang “Tatak Pinoy Act,” inaprubahan
SA PAGSISIKAP ng Kapulungan na maiahon ang kabuhayan ng sambayanang Pilipino, inaprubahan sa bulwagan na pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ngayong Martes sa ikatlo at huling pagbasa, ang anim (6) pang prayoridad na panukala na kabilang sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) na common legislative agenda ng administrasyong Marcos. Nagkakaisang inaprubahan ng […]
-
Medvedev kampeon sa US Open matapos ilampaso ang world’s No. 1 na si Djokovic
Nagkampeon si Russian tennis player Daniil Medvedev sa US Open matapos talunin si Novak Djokovic. Dominado ng 25-anyos na Russian player ang buong laro 6-4, 6-4, 6-4. Ito ang unang grand slam title na nakuha niya. Bago makaharap ni Medvedev si Djokovic ay tinambakan niya si Felix Auger Aliassime […]
-
Malasakit Centers: 6 taon nang nagseserbisyo sa Pilipino
NOONG Pebrero 12, 2018, isang makabuluhang marka sa pangangalaga sa kalusugan ang pinasimulan matapos pasinayaan ang unang Malasakit Center sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) sa Cebu City. Pinangunahan ni Senator Christopher “Bong” Go na noon ay Special Assistant to the President, ang Malasakit ay isang one-stop shop na nagpabilis sa access […]