• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, makakatanggap ng $250-M loan

NAKATAKDANG tumanggap ang gobyerno ng Pilipinas ng $250 million na bagong loans o utang mula sa Asian Development Bank (ADB) para gamiting pambili ng COVID-19 vaccine.

 

Inanunsyo ng ADB, araw ng Lunes na inaprubahan nito ang loan agreement, pinapayagan ang Pilipinas na bumili ng 40 milyong karagdagang doses ng COVID-10 vaccines para sa mga kabataan at booster shots para sa mga matatanda.

 

“ADB is supporting the government’s drive to provide vaccines to protect its citizens and save lives, especially with the emergence of new COVID-19 variant,” ang naging pahayag ni ADB Principal Social Sector Specialist for Southeast Asia Sakiko Tanaka sa isang kalatas.

 

“Vaccination will allow the health system to better manage the effects of the virus and will help sustain economic recovery. It is key to the country’s full recovery from the pandemic,” dagdag na pahayag pa rin ng opisyal.

 

Makikita sa data mula sa gobyerno na “as of Dec. 7,” mayroong 39.23 milyong Filipino ang fully vaccinated na laban sa virus.

 

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na target ng pamahalaan na gawing fully vaccinated ang 90% ng populasyon sa bansa bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Hunyo ng susunod na taon. (Daris Jose)

Other News
  • Sa pagtatapos ng ‘Maging Sino Ka Man’: DAVID, nagbigay na ‘quick hint’ sa next project nila ni BARBIE

    HULING gabi na ng special limited series nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Pambansang Ginoo David Licauco, ng “Maging Sino Ka Man,” pero hindi ibig sabihin ay mawawala na ang BarDa fever.        Last Saturday, sa “24 Oras Weekend” ini-report ni Nelson Canlas na nagbigay na ng quick hint si David ng susunod […]

  • Philippians 4:7

    The peace of God surpasses all understanding.

  • AFP officials muling tiniyak loyalty sa constitution sa ginawang courtesy call kay Speaker Romualdez

    MULING binigyang-diin ng mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang loyalty sa Constitution at maging sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.       Ginawa ng mga ito ang pahayag ng mag courtesy call ang mga ito ay House Speaker Martin Romualdez kahapon sa Kamara.     Ayon […]