• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, malapit na sa rice self-sufficiency sa loob ng 2 taon kung ikakasa ang ‘major reorganization’- PBBM

NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malapit na ang bansa sa rice self-sufficiency sa loob ng dalawang taon kung ipatutupad ng gobyerno ang  “major reorganization” sa ahensiya nito.

 

 

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay kasunod ng pakikipagpulong sa mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at  National Irrigation Administration (NIA) sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

“From that discussion, we have begun to put on the timetable of what are the things that we need to do. And sa aming calculation, kung magawa natin lahat ng kailangang gawin — kasi marami tayong kailangan ayusin, marami tayong ire-reorganize — pero kung magawa natin lahat ‘yan, we will be close to self-sufficiency for rice in two years,” ayon kay Pangulong  Marcos.

 

 

“There’s a great deal of work to do pero nakikita na namin kung papaano gagawin. So that’s what we will work on for now,” dagdag na wika nito.

 

 

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na kailangan ng plano ng “cooperation, convergence, and coordination” kasama ang DA, NIA, Department of Public Works and Highways (DPWH), at  National Economic and Development Authority (NEDA).

 

 

“So our next meeting will be that. Nandiyan na lahat ng mga concerned agency  and we will present the timetable as to what needs to be done, what forms of coordination need to be done,” dagdag na wika nito.

 

 

Ayon sa Malakanyang, ang gobyerno ay nagpapatupad na ng estratehiya para itaas ang  rice production, gaya ng  “convincing irrigators associations (IA) and farmers to plant hybrid rice, adopting alternate wetting and drying as a water-saving technology for irrigated lands, harvesting in September during the wet season, and ratooning after the wet season harvest.”

 

 

Ang rice ratooning o sagibo ay  ang pagpapatubo ng bagong suwi o uhay mula sa mga  pinaggapasan ng pangunahing tanim o main crop at maging  sa second crop ng palay.

 

 

Sa ratooning, hindi na kailangang  dumaan pa sa paghahanda ng lupa, pamumunla, at pagtatanim, at mas kaunting pataba ang kailangan kaya mas matipid. Bukod dito, sa tag-ulan at tag-araw, maaari ring umani ng katumbas sa 20 hanggang 60 porsyento ng main crop. Mas mabilis din itong  anihin dahil 45-60 araw lang matapos i-ratoon, ay maaari nang anihin.

 

 

Sinabi pa n Malakanyang na ang  NIA ay may total investment pledge ng mahigit sa ₱1 trillion mula sa  potential private partners, kung saan papayagan ang ahensiya na isulong ang irrigation projects nito ng walang restriksyon sa limitadong  funding.

 

 

“As of Dec. 31, 2021,  tinatayang may 2.04 million hectares (ha), o 65%  potential irrigable area ng  3.13 million ha ng bansa ang na-develop. May 1.5 milyong magsasaka ang nakinabang dito.

 

 

Tinatayang may 1.09 million ha, o 35%, ng natitirang lugar ang nananatiling kailangang i-develop.

Other News
  • 3 naaktuhan nagtatarya ng shabu sa loob ng jeep sa Valenzuela

    SA kulungan ang bagsak ng tatlong hinihinalang sangkot sa iligal na droga matapos maaktuhan ng mga awtoridad na nagtatarya umano ng shabu sa loob ng isang pampasaherong jeep sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon.     Sa report ni SDEU investigator PCpl Glenn De Chavez kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-12:20 […]

  • Kongreso iimbestigahan ang no-contact apprehension

    HININGI ni Surigao del Norte Rep. Robert “Ace” Barbers sa Kongreso na gumawa ng isang imbestigasyon sa pagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP) na ginagawa ng mga local government units (LGUs) at ng Metro Manila Development Authority (MMDA).       Dahil na rin sa mga reklamo ng mga motorista lalo na ang mga motorcycle-riding […]

  • ‘Doctor Strange 2’ Video Reveals Illuminati & Charlize Theron’s Clea

    OFFICIAL footage from Doctor Strange in the Multiverse of Madness reveals the introduction of the Illuminati and Charlize Theron’s Clea.     Marvel Studios’ latest blockbuster brings back Benedict Cumberbatch into the MCU after his involvement in Spider-Man: No Way Home. In the film, he is faced with the difficult task of protecting America Chavez […]