Pinas, Malaysia palalakasin ang pagtutulungan sa edukasyon, disaster response- Malakanyang
- Published on October 16, 2024
- by @peoplesbalita
KAPWA nagkasundo ang Pilipinas at Malaysia na palakasin ang pagtutulungan sa edukasyon at disaster response.
Isinagawa ang kasunduan matapos na mainit na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Dr. Ahmad Zahid Bin Hamidi, Malaysia’s Deputy Prime Minister at Minister for Rural and Regional Development, sa Palasyo ng Malakanyang.
Sa ginawang courtesy call ni Hamidi, sinabi ni Pangulong Marcos na ang “very good workforce” ng Pilipinas ay ‘young, hardworking, at well-trained.’
“Filipinos are used to working with foreign entities because of our diaspora. But we have to train them. After COVID, everything is new. The technologies are different,” ang sinabi ni Pangulong Marcos ayon sa Presidential Communications Office (PCO),.
Ayon pa rin sa Malakanyang, sinabi ni Hamidi na nais ng Malaysia na matuto mula sa Philippine education system, sinabi nito na nakatutok ang bansa sa paghikayat sa mga estudyante na piliin ang Technical and Vocational Education and Training (TVET).
Pagdating naman sa disaster response cooperation, binanggit ni Hamido ang Malaysian special group na tinawag na SMART Team, maaaring ipadala sa Pilipinas sa panahon ng tag-bagyo at kalamidad subalit kailangan ang pag-apruba ng Pangulo.
“Of course, that is a very generous offer of assistance. Yes, thank you. Actually, we can organize that as soon as everyone is ready for that,” ang tugon naman ni Pangulong Marcos.
Matatandaang, binisita ni Pangulong Marcos ang Malaysia noong July 2023. Buwan ng Marso ngayong taon, kagyat na tinugunan ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim ang naging pagbisita ni Pangulong Marcos sa pamamagitan ng opisyal na pagbisita sa Pilipinas.
“Malaysia was the Philippines’ ninth largest trading last year, with total trade amounting to $8.15 billion,” ayon sa PCO. (Daris Jose)
-
After ng mga parangal sa matagumpay na ‘Balota’: MARIAN, pipili ng project na may spark at napupulsuhan na gawin
NATANONG si Marian Rivera kung ano ang nilu-look forward niya ngayong 2025, partikular sa paggawa pa ng mga pelikula. Bongga kasi ang 2024 niya lalo pa nga’t kumita ang ‘Balota’ at nanalo pa siya bilang Cinemalaya Best Actress at sa iba pang award giving bodies. “Naku, nilu-look forward? Parang mas gusto ko yung kung ano yung […]
-
Naghatid-tulong din sa mga nasalanta ng bagyo: Sen. IMEE, nagbigay-pugay sa mga guro kasama ang anak na si MICHAEL
BIDANG-BIDA ang mga guro at serbisyo publiko sa pinakabagong vlog entries ni Senator Imee Marcos sa kanyang official YouTube Channel. Nitong Oktubre 5 (Miyerkoles), nagbalik si Attorney Michael Manotoc kasama ang kanyang ina habang pinagdiriwang nila ang World Teacher’s Day. Ginunita ng mag-ina ang kanilang makulay na mga karanasan bilang mga estudyante at […]
-
28M Pinoy, nananatiling hindi pa bakunado laban sa COVID-19
TINATAYANG umaabot pa sa 28 hanggang 30 milyong Filipino ang hindi pa bakunado laban sa COVID-19. Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na kabilang sa numerong ito ang 3 milyong senior citizens o nasa edad na 60 pataas. Dahil dito at sa patuloy na pagtaas ng bilang […]