• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, mananatili sa ilalim ng Alert Level 3 hanggang Enero 15

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) araw ng Miyerkules, Disyembre 29, 2021, ang rekomendasyon na manatili ang lahat ng lalawigan, highly urbanized cities, at independent component cities sa ilalim ng Alert Level 3 mula Enero 1 hanggang Enero 15, 2022.

 

Gayundin, ipinalabas ng IATF ang updated country risk classification epektibo Enero 1, 2022 hanggang Enero 15, 2022.

 

Ang Eswatini, Lesotho, Malawi, Mozambique, Namibia at Spain ay nasa ilalim ng Red List.

 

Nasa ilalim naman ng Green List ang Bangladesh, Benin, Bhutan, British Virgin Islands, China (Mainland), Cote d’ Ivoire (Ivory Coast), Djibouti, Equatorial Guinea, Falkland Islands (Malvinas), Fiji, The Gambia, Guinea, Hong Kong (Chinese Special Administrative Region), Indonesia, Kuwait, Kyrgyzstan, Liberia, Montserrat, Oman, Pakistan, Paraguay, Rwanda, Saba (Special Municipality of the Kingdom of the Netherlands), Saint Barthelemy, Sao Tome and Principe, Senegal, Sierra Leone, Sint Eustatius, Taiwan, Timor-Leste (East Timor), Togo, Uganda at United Arab Emirates.

 

“All other countries/territories /jurisdictions not mentioned above shall be under the Yellow List,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

Samantala, ang IATF, batay na rin sa naging rekomendasyon ng Department of Foreign Affairs, “approved the acceptance/recognition for purposes of arrival quarantine protocols at maging ang para sa interzonal/intrazonal movement para sa national COVID-19 vaccination certificate ng Armenia, Belgium, Canada, France, Germany, Kuwait, New Zealand, Sri Lanka, Thailand, United States of America at Oman.

 

“This is in addition to such other countries/territories/ jurisdictions whose proofs of vaccination the IATF already approved for recognition in the Philippines, and without prejudice to such other proofs of vaccination approved by the IATF for all inbound travelers,” ani Nograles.

 

Kaugnay nito, inatasan naman ang Bureau of Quarantine, the Department of Transportation – One Stop Shop at ang Bureau of Immigration na kilalanin lamang ang mga proofs of vaccination na inaprubahan ng IATF. (Daris Jose)

Other News
  • Pinay figure skater Sofia Frank nagtapos ng pang-22 sa 2022 World Junior Figure Skater

    NAGTAPOS sa pang-22 si Filipina skater Sofia Frank sa 2022 World Junior Figure Skater Championship na ginanap sa Estonia.     Umabot sa 53.86 points ang kabuuang natamo ng 16-anyos na skater.     SA kanyang kabuuang 43 competitors ay mayroong 137 points ang kaniyang natamo na naging pang-22 ang puwesto nito.     Nagwagi […]

  • NAVOTAS NAITALA ANG MAS MABABANG KASO NG COVID-19

    SA loob ng tatlong magkakasunod na linggo, muling nakapagtala ang Navotas city ng pinakamababang kaso ng COVID-19 kada araw.     Ayon sa OCTA Research Group, mula 12.36 average daily attack rate (ADAR) sa April 25-May 1 at 7.2 sa May 3-9, bumulusok ang ADAR ng lungsod sa 5.99 nitong May 9-14.     “We […]

  • 20% NG POPULASYON NG PINAS, MABABAKUNAHAN -DOST

    SINIGURO ng Department of Science and Technology (DOST) na 20% ng populasyon ng Pilipinas ang mababakunahan kontra COVID-19 sa pamamagitan ng COVAX Facility.   Ayon kay DOST-Research and Development Executive Director Jayme Montoya na 3% ng bakuna ay ilalaan sa mga health workers at ang 17% ay para sa mga high risk group gaya ng […]