‘Pinas, mananatiling miyembro ng Gavi Covax VaccinE Alliance
- Published on September 19, 2020
- by @peoplesbalita
MANANATILING miyembro ng Gavi Covax VaccinE Alliance ang Pilipinas sa kabila ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi ito magbibigay ng cash advance sa mga western countries para lamang makasiguro ang bansa na makakukuha ng madidiskubreng Covid-19 vaccine.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ipinahihiwatig lamang daw ng naging pahayag na ito ng Pangulo ay kung bakit humihingi na ang mga western companies ng reservation fee gayong isinasailalim pa sa clinical trial ang mga dinidiskubreng Covid-19 vaccine.
Hindi aniya maunawaan ng Punong Ehekutibo kung bakit maagang humihingi ng bayad ang ilang Western countries gayung wala namang hinihinging ganito ang bansang China at Russia.
Sa katunayan pa nga aniya ay maaari pa ngang utangin ng Pilipinas sa Russia at China ang covid vaccine na maaring kunin sa kanila ng Philippine government. (Daris Jose)
-
Top 2 at 3 Most Wanted Person sa Navotas, nalambat
BINITBIT sa loob ng selda ang dalawang lalaki na listed bilang top 2 at 3 most wanted sa Navotas City matapos matimbog sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya, kamakalawa sa naturang lungsod. Ayon kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong ala-1:05 ng hapon nang maaresto ng pinagsamang mga tauhan ng Navotas […]
-
Ads September 18, 2023
-
PDu30, dadalo sa inagurasyon ng kanyang anak na si Sara sa Hunyo 19- Frasco
DADALO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa inagurasyon ng kanyang anak na si Vice President-elect Sara Duterte sa Davao City. “President Rodrigo Roa Duterte has confirmed his attendance,” ayon kay Liloan Mayor Christina Frasco, tagapagsalita ni Sara Duterte. Iyon nga lamang, wala pang impormasyon kung dadalo rin sa nasabing inagurasyon ang […]