Pinas, mananatiling “top rice importer” sa buong mundo — USDA
- Published on January 23, 2024
- by @peoplesbalita
MANANATILING “top rice importer” ngayong 2024 ang Pilipinas sa buong mundo.
Ito ang naging pagtataya ng United States Department of Agriculture (USDA).
Sa pinakabagong ulat ng USDA, inaasahang aangkat ang Pilipinas ng 3.8 milyong metriko toneladang bigas ngayong taon.
Ang China naman ang “second” top rice importer, sumunod ang Indonesia, European Union, Nigeria, at Iraq.
Sinasabi pa rin sa ulat na nakikitang tataas naman ang rice imports ngayong taon ng mga bansang gaya ng Afghanistan, Angola, Bangladesh, China, Democratic Republic of the Congo, Cuba, Ethiopia, Iran, South Korea, Liberia, Libya, Madagascar, Malaysia, Mexico, Nepal, Pilipinas, Saudi Arabia, Sierra Leone, United Arab Emirates, United Kingdom, United States, at Yemen.
Sa kabilang dako, ayon naman sa data ng Bureau of Plant Industry na may petsang Enero 11, nag-angkat ang Pilipinas ng 3.6 milyong metriko tonelada ng bigas, bahagyang mas mababa noong 2022 na may 3.8 metriko tonelada.
Nauna rito, sinabi naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na plano ng pamahalaan na i-secure ang rice trade agreement nito sa Vietnam noong panahon na nag- state visit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Samantala, tinitingnan din ng Pangulo ang pag-angkat ng bigas mula sa Cambodia para mapanatili ang suplay ng bigas sa gitna ng nagbabadyang epekto ng El Niño.
Winika naman ng Malakanyang na target ng Cambodia na makakuha ng 1% share ng market ng imported rice sa Pilipinas ngayong taon. (Daris Jose)
-
Halos $4b investment pledges at daan- daang libong trabaho, posibleng pumasok sa Pinas
POSIBLENG pumasok sa Pilipinas ang $4 bilyong halaga ng investment at daan- daan libong trabaho kasunod ng 6-day working visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Estados Unidos. Sa isang kalatas, sinabi ng Malakanyang na ang business agreements at commitments na nasungkit ng Pangulo sa Estados Unidos ay tinatantiyang may investment value na […]
-
2 welder na ‘tulak’ laglag sa P340K droga sa Caloocan
DALAWANG welder na kapwa umano sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga ang timbog sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Miyerkules ng madaling araw. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang mga naarestong suspek na sina alyas “Mata” at alyas “Buyong”, kapwa residente ng lungsod. […]
-
‘Wag mag-iwan ng alcohol sa sasakyan – MMDA
PINAYUHAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na iwasang mag-iwan ng mga bote ng rubbing alcohol sa loob ng kanilang mga sasakyan. Sinabi ng MMDA na maaaring magdulot ng disgrasya ang alcohol kapag naiwanan sa loob ng sasakyan lalo na kung mabibilad ito sa matinding init ng araw. […]