• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, may kakayahang magbayad ng utang

MAY KAKAYAHAN at walang problema ang Pilipinas para bayaran ang utang nito na umabot na sa P11.07-trilyong piso.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, malaki lamang tingnan ang pigura ng utang ng bansa subalit kung tutuusin ay nasa “mid-range” ito kumpara sa ibang lower-middle-income countries.

 

Sa huling data ng Bureau of the Treasury, ipinakita nito na ang utang ng Pilipinas ay umabot na sa P11.07 trillion end-May kumpara sa P10.99 trillion noong buwan ng Abril.

 

“Alam po ninyo, very conservative po ang ating economic team headed by [Finance] Secretary Dominguez. Iyong ating naiulat pong external debt ngayon, iyan po ay nasa mid-range kung ikukumpara natin sa mga ekonomiya na kasinlakas natin, kagaya ng iba’t ibang ekonomiya po ng Latin America – lower-middle-income countries,” ayon kay Sec. Roque.

 

“So malaki pong tingnan iyan, but we are in the mid-range at wala naman pong problema iyan pagdating doon sa ating kakayahan na magbayad as they fall due,” dagdag na pahayag nito.

 

Nauna rito, sinabi ng Department of Finance na ang utang ng bansa ay nananatiling kaya pa dahil na rin sa low-interest rates at malakas na piso. (Daris Jose)

Other News
  • 7 Chinese nationals arestado, 1 nasagip sa human trafficking ng NBI

    ARESTADO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 7 Chinese nationals habang nasagip ang biktima ng human trafficking na naglantad ng scamming operation .     Ayon kay NBI Director Judge Jaime Santiago, ang kaso ay nag-ugat mula sa reklamo na natanggap ng NBI-Cybercrime Division (CCD) noong Disyembre 11,2024.     Ayon sa complainant, iligal […]

  • Mapabilis ang kanselasyon ng birth certificates na nakuha sa iligal na paraan, isinusulong ng Quad Comm

    ISINUSULONG ng mga lider ng House Quad Comm na mapabilis ang kanselasyon ng birth certificates na nakuha sa iligal na paraan ng mga foreign nationals, kabilang na yaon sangkot sa illegal drug operations at iba pang criminal activities na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).   Ang House Bill (HB) No. 11117 o […]

  • Ads February 28, 2025