Pinas, naghain ng diplomatic protest laban sa China-declared baselines sa Scarborough
- Published on November 15, 2024
- by @peoplesbalita
PORMAL na binasura ng gobyerno ng Pilipinas ang Chinese-declared “baselines and base points” sa paligid ng Bajo de Masinloc (BDM o Scarborough Shoal).
Ito ang pinakabagong pagpipilit ng Beijing para palakasin ang “illegal seizure” nito sa nasabing ‘feature’ na matatagpuan sa loob ng Philippine exclusive economic zone (EEZ).
Sinabi ni Spokesperson Ma. Teresita Daza , naghain ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng diplomatic protest noong Nov. 12.
Sinabi ng National Maritime Council (NMC) na ang baselines ay “drawn in violation of the Philippines’ long-established sovereignty over the shoal throughout history” at hindi na-meet ang criteria na nakapaloob sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
“The establishment of the baselines by China around the shoal is a continuation of its 2012 illegal seizure of the shoal, which the Philippines continues to strongly oppose,” ayon sa NMC.
Sinabi ng NMC na magagamit lamang ang straight baselines alinsunod sa ‘criteria at conditions’ na hinihingi sa UNCLOS, base sa paliwanag sa 2016 Arbitral Award.
“These conditions are not present in the case of BDM. Thus, the straight baselines established by China around the shoal are without any legal basis or effect,”ang sinabi pa rin ng NMC.
“The Philippines strongly objects to the use of these baselines by China and resolutely maintains its right to declare the correct baselines of BDM,” anito pa rn.
Muli namang inulit ng NMC na ito’y “always had sovereignty and jurisdiction” sa Scarborough Shoal, at ang maritime zones nito ay alinsunod sa international law at hindi bumabangga sa soberanya o hurisdiksyon ng ibang estado.
Sa ulat, matapos pirmahan ni PBBM ang Maritime Zones Act, wala pang isang linggo ay nag-anunsyo ang Chinese government ng sarili nitong ‘baselines at corresponding base points’ sa paligid ng Scarborough Shoal noong Nov. 10.
Sinabi ng Chinese Foreign Ministry na ang kanilang deklarasyon ay “lawfully strengthen” ang kanilang “marine management” sa naturang lugar.
Iginiit ng Tsina ang kanilang soberanya sa Scarborough Shoal, na tinawag nitong Huangyan Dao o Huangyan Island. (Daris Jose)
-
Pacquiao nagbalik-tanaw sa 1988 Japanese license
SA pamamagitan ng isang throwback photo, ginunita ni eight-division world men’s professional boxing champion Emmanuel Pacquiao ang kanyang pro boxing license na inisyu taong 1998 pa ng Japan Boxing Commission (JBC). Ipinaskil nitong Miyerkoles ng 42-anyos,6-2 ang taas, tubong Kibawe, Bukidnon, kasalukuyan ding senador at huling umakyat ng ruwedang parisukat noong 2019 via […]
-
BBM binati na nina Biden, Xi
NAGKAUSAP at binati na si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos at US President Joe Biden. Kinumpirma ng White House na binati si Marcos ni Biden matapos ang tagumpay sa nakaraang halalan. Nakasaad din sa statement na binanggit ni Biden ang kahalagahan nang pagpapalakas ng alyansa ng Pilipinas at Amerika habang nagtutulungan […]
-
3.2-M estudyante naka-register na para sa susunod na school year – DepEd
Halos 3.2 milyong mag-aaral na ang naka-rehistro para sa school year 2021-2022 base sa lastest data na hawak ng Department of Education (DepEd). Batay sa Early Registration Monitoring Report, may kabuuang 3, 227, 244 learners mula sa 17 rehiyon sa buong bansa ang nakiisa sa nagpapatuloy na registration ng DepEd para sa nalalapit […]