Pinas nakapagtala ng 2 milyon international arrivals – DOT
- Published on May 16, 2023
- by @peoplesbalita
NAKAPAGTALA ang Pilipinas ng kabuuang 2,002,304 dayuhang turista mula Enero 1 hanggang Mayo 12, 2023 na higit pa sa target na 1.7 milyon noong nakaraang taon, ayon sa Department of Tourism (DOT).
“Notwithstanding our challenges and difficulties that our country has faced, a pandemic and the various calamities that come into our shores the good news is that this has done nothing to break the Filipino spirit or to diminish the beauty of the Philippines,” pahayag ni Tourism Secretary Christina Frasco nitong Linggo.
Una nang nagtakda ng goal ang DOT na maabot ang 4.8 milyon na international arrival para sa 2023 bilang bahagi ng National Tourism Development Plan (NTDP) nito.
Nangunguna ang South Korea, na may 487,502 arrivals; sinundan ng US, 352,894; Australia, 102,494; Canada, 98,593; Japan, 97,329; China, 75,043; Taiwan, 62,654; United Kingdom, 62,291; Singapore, 53,359; Malaysia, 36,789.
Nagtala rin ang DOT ng P168.52 bilyon sa mga inbound visitor receipts noong Abril, higit sa pitong beses ang halagang nabuo sa parehong timeframe noong nakaraang taon.
-
Gobyerno, gumagawa ng ‘urgent, decisive’ na aksyon para tugunan ang problema sa malnutrisyon – PBBM
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na gumagawa ang goboyerno ng ‘urgent, decisive, at multisectoral action” para tugunan ang problema sa malnutrisyon sa bansa. Sa naging talumpati ng Pangulo sa 2024 NATIONAL NUTRITION AWARDING CEREMONY sa Crowne Plaza Manila Galleria sa Lungsod ng Quezon, araw ng Biyernes, Marso 7, sinabi nito na naglunsad ang […]
-
Pinilit na makapagtapos ng kolehiyo: AIKO, natupad na ang pangako sa kanyang mommy at stepdad
ISANG masayang-masayang Aiko Melendez ang nakausap namin sa pamamagitan ng Facebook messaging nitong July 28, Biyernes. excited na ibinalita sa amin ng actress/politician na ga-graduate na siya sa kolehiyo. Nagtapos si Aiko sa Philippine Women’s University ng kursong Communication Arts Major in Journalism. Tulad ng regular na estudyante ay nag-martsa ang aktres […]
-
Pagsisimula ng local campaign, generally peaceful – PNP
ITO ANG deklarasyon nitong Sabado ng Philippine National Police (PNP) sa pagsisimula ng campaign period para sa lokal na posisyon kaugnay ng gaganaping May 9, 2022 national election. Sinabi ni PNP Chief P/ Gen. Dionardo Carlos, walang naiulat na anumang insidente ng karahasan na may kaugnayan sa nalalapit na halalan. Ang campaign period […]