Pinas nakapagtatala ng 55 kaso ng HIV kada araw-Sec Herbosa
- Published on May 23, 2024
- by @peoplesbalita
TUMAAS ang bilang mga bagong kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Pilipinas.
Sa katunayan, nakapagtatala ang departamento ng 55 bagong kaso ng HIV kada araw.
”We have about 59,000 people living with HIV… That’s still low for a country with 110 million. But ang ating mataas is new cases, 55 new cases a day, highest in the world. That’s why we need to stop,” ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa sa press briefing sa Malakanyang.
Tinuran pa rin ng Kalihim na nakipagpulong siya kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte para pag-usapan ang pangangailangan na turuan ang mga kabataan ukol sa HIV.
Pinag-usapan naman aniya ng departamento ang pagbibigay ng pangkaraniwang HIV services sa pangkalahatang pangunahing helath care facilities sa bansa.
Winika nito na makatutulong ito para pangalagaan ang bilang ng HIV infections sa bansa.
“The data we have shows the way for what we do. Better health literacy including age- and culture-appropriate information and commodities for safe sex, routine HIV testing at primary care, and early access to antiretrovirals are clear directions to take,” ang sinabi ni Herbosa sa isang kalatas.
Tinukoy ang data mula sa HIV & AIDS at antiretroviral therapy (ART) Registry of the Philippines (HARP), sinabi ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ang Pilipinas ng 3,410 bagong kaso ng HIV mula Enero hanggang Marso 2024 na may 82 na napaulat na nasawi.
Sa mga kaso naman ngayong taon may 1,224 ang naitala para sa buwan ng Marso lamang na mayroong 12 ang nasawi kung saan ang edad ay mas mababa sa 1 taon hanggang 55 taong gulang na mayroong panggitnang edad na 28 taong gulang. (Daris Jose)
-
Mga artistang Bulakenyo,magpapamalas ng angking talento sa Sining sa Hardin: Bulacan Art in the Park
TATLONG araw na eksibit ang isinasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office – Arts and Culture Division na pinamagatang “Sining sa Hardin: Bulacan Art in the Park at Konsierto ng mga Artistang Bulakenyo” mula Abril 14-16, 2023, alas 10:00 ng umaga sa Mini Forest sa Provincial […]
-
Wish niya na maka-duet si Sampaguita: ICE, inaming ngalngal kabayo sa kanta ng BINI at SB19
MAY pa-sneak peek nga ang OPM Icon na si Ice Seguerra para sa pinaghahandaan nila para tinawag nilang ULTIMATE VIDEOKE EXPERIENCE OF THE YEAR! Para ito sa repeat ng ‘Videoke Hits OPM Edition’ sa Nov. 8 titled ‘Ice Seguerra Videoke Hits: OPM Edition Isa Pa!’ sa Music Museum (8 pm). Produced ito ng Fire […]
-
Pasok suspendido sa gov’t offices, eskwela sa NCR, 6 lalawigan dahil kay ‘Florita’
SUSPENDIDO na ang pasok sa lahat ng pampublikong paaralan at tanggapan ng gobyerno sa National Capital Region (NCR) at anim pang probinsya mula ngayon hanggang ika-24 ng Agosto dahil sa epekto ng Severe Tropical Storm “Florita” at Habagat. Nag-ugat ito sa mungkahi ng National National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kay […]