• April 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, nakatakdang makakuha ng $1-billion World Bank loan para sa agri

INAASAHAN na lalagdaan ng Pilipinas ngayong Hulyo ang record-high $1-billion loan agreement (mahigit sa ₱57 billion) mula sa World Bank para pondohan ang agricultural transformation program.
Sa katunayan ayon sa Department of Agriculture (DA) ay nakipagdayalogo na si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel kay World Bank Country Director Zafer Mustafaoğlu noong nakaraang buwan para repasuhin ang progreso ng kasunduan.
Muling pinagtibay naman ni Mustafaoğlu ang commitment ng bangko na magbigay ng pondo para sa Philippine Sustainable Agricultural Transformation (PSAT) loan program.
Ang dokumentong inilathala sa website ng World Bank ay nagpapahiwatig na ang PSAT ay may pagtataya na gagastos ng $20 billion (mahigit sa ₱1.1 trillion), kung saan babalikatin ng Philippine government ang $11.895 billion (mahigit sa ₱683 billion) mula sa $12.8975 billion (mahigit sa ₱741 billion) operation cost.
Sa $1-billion funding ng World bank, nangangahulugan na magkakaroon ng financing gap na $2.5 million.
Sinabi pa ng Washington-based multilateral lender na noong nakaraang taon, nakatakdang aprubahan ng board ang loan sa Hunyo 5 ngayong taon.
Ang paglagda sa pagitan ng dalawang partido ay nakaplano ngayong Hulyo. Hindi naman nagbigay ng eksaktong petsa ang DA. Sinasabing dapat na sumabay ito sa 4th State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa oras na malagdaan, tanda na ito ng unang proyekto ng Pilipinas sa ilalim ng World Bank’s Program-for-Results (PforR) financing framework.
Sa kabilang dako, ang Department of Finance (DOF), ang ahensiya na responsable naman sa financial resources ng gobyerno ay manghihiram sa ngalan ng DA, implementing agency ng gobyerno.
Ang PSAT, na aabot ng limang taon ang operasyon, ay nakatakda namang ilunsad sa Agosto.
Sa kabilang dako, layon ng DA-led program na palakasin ang agri-fishery sector ng bansa sa pamamagitan ng “targeted support” sa agri-food systems, kabilang na ang ‘climate-responsive strategies, policy reforms, diversification, at palakasin ang fiscal management.’
“PSAT aims to improve the efficiency of government spending while ensuring sustainable outcomes by building institutional capacity and strengthening governance,” ang sinabi ng departamento.
Sa pakikipagpulong pa rin ni Tiu Laurel kay Mustafaoğlu, pinag-usapan din ng mga ito ang $15-million grant na popondohan ng United Kingdom (UK) sa ilalim naman ng Technical Assistance for Sustainable Agricultural Transformation (TASAT).
“TASAT will support the DA’s implementation of PSAT by enhancing internal audits, evaluating resource use alternatives, assessing sectoral transformation, and expanding the availability of improved planting materials for high-value crops,” ayon sa ulat.
Ang supplementary funding ay ie-endorso ng DOF at National Economic and Development Authority (NEDA) sa pamamagitan ng Development Budget Coordination Committee (DBCC).
Tiniyak naman ni Tiu Laurel na ipagpapatuloy ng departamento ang pakikipagtulungan sa World Bank upang matiyak ang napapanahong pagsasagawa ng PSAT.
“This multiyear loan from the World Bank will provide us with the critical resources needed to advance the government’s food security agenda and promote sustainable agriculture,” ang sinabi ni Tiu Laurel.
Sinabi pa niya na maisusulong ng PSAT ang mga pangunahing development sa mga lugar na makatutulong na iangat ang buhay ng milyong Filipino na umaasa lamang sa pagsasaka at pangisdaan.  (Daris Jose)
Other News
  • 5,000 COVID-19 vaccine doses para sa A4 minimum wage earners at OFWs sa Labor Day

    INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Martes, Abril 27 ang kahilingan ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa 5,000 doses ng COVID-19 vaccine na gagamitin sa idaraos na symbolic inoculation ceremony ng mga minimum wage workers at overseas Filipino workers na nasa ilalim ng Priority Group A4 sa Mayo 1, 2021 […]

  • Fernando, lumagda sa kasunduan para sa anti-illegal recruitment at human trafficking

    Lumagda si Gob. Daniel R. Fernando sa isang kasunduan para sa Anti-Illegal Recruitment Trafficking in Persons (AIRTIP) kasama ang Department of Labor and Employment, Philippine Overseas Employment Administration, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Technical Education and Skills Development Authority, League of Municipalities, at OFW Family Circle Federation of Bulacan na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium […]

  • Newly installed Army chief LtGen. Sobejana tiniyak walang sundalong aabuso sa Anti-Terror Law

    Tiniyak ni newly-installed Philippine Army chief Lt Gen. Cirilito Sobejana na hindi maaabuso ang bagong batas na Anti-Terror Law of 2020 sa ilalim ng kaniyang pamumuno.   Ito’y sa kabila ng pangamba ng mga kritiko na mismo ang mga tagapagpatupad ng batas ang aabuso dito.   Ayon kay Sobejana habang siya ang commanding general ng […]