• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, nangako na palalakasin ang pagbabakuna sa mga lalawigan laban sa COVID-19 surge

LALABANAN ng gobyerno ang posibleng surge sa COVID-19 cases sa labas ng Kalakhang Maynila sa pamamagitan ng pagpapalakas ng COVID-19 vaccination at pagbibigay ng  access sa  anti-COVID-19 medicines.

 

 

Ang pahayag na Ito ni Acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary  Karlo Nograles ay tugon sa tanong kung handa ba ang bansa sakali’t magkaroon ng surge sa COVID-19 cases sa labas ng Kalakhang Maynila, epicenter ng pandemiya.

 

 

“Number one, we really have to ramp up our vaccination rates in NCR (National Capital Region) Plus and outside NCR areas,”ayon Kay  Nograles.

 

 

“And number two, we have new weapons right now in our arsenal which are  the antiviral medicines. The good news is that the FDA (Food and Drug Administration has already approved bexovid and  molnupiravir,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nauna rito, nagpalabas ang FDA  ng  emergency use authorization sa  molnupiravir sa ilalim ng brand name na  Molnarz at bexovid, generic version ng Pfizer’s anti-COVID-19 drug Paxlovid.

 

 

“There are other antiviral drugs also in our arsenal that would help decrease the probability of mild and moderate cases of COVID-19 going into severe and critical,” ayon kay Nograles.

 

 

“Those are new elements in this fight against COVID-19, plus the fact that the data shows that if you’re fully vaccinated and got a booster, then there are lesser chances of you getting severe COVID-19 and being in critical situation due to COVID-19 amid the Omicron variant,” aniya pa rin.

 

 

Tinatayang may 53 milyong Filipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19

 

 

Iyon nga lamang, nabigo ang bansa na ma-meet  ang year end 2021 target  nito na gawing fully vaccinated ang  54 milyong Filipino laban sa COVID-19.

 

 

Inaasahan naman ng pamahalaan na magiging fully vaccinated ang 77 milyong  Filipino laban sa COVID-19 bago matapos ang Marso at 90 milyong Filipino naman bago matapos ang Hunyo ngayong taon. (Daris Jose)

Other News
  • Ipinagtanggol ng Choco Mucho si Deanna Wong sa ‘snubbing incident’

    CHOCO Mucho management has broken its silence on the alleged snubbing incident involving the Flying Titans towards their fans while on vacation in Boracay.     In a social media post on Monday, the management of the popular Premier Volleyball League (PVL) team leapt to the defense of its players who were at the receiving […]

  • Kung may nais na maulit sa kanyang buhay: KC, gustong maging best friends ulit sila ni SHARON

    KUNG si KC Concepcion pala ang tatanungin kung ano ang part ng buhay niya na gusto niyang maulit, ano iyon?       Natuwa si KC nang itanong sa kanya iyon, nang minsan makausap siya, the other day sa “Updated with Nelson Canlas.”     Ang sagot ni KC: “wow, good question! Gusto kong maging best […]

  • KRIS, natuloy na rin ang paglabas sa GMA Network bilang co-host ni WILLIE

    GUMAWA ng pakikipag-usap si TV-host producer na si Willie Revillame, sa namamahala ng Clark International Airport sa Pampanga at sa Inter-Agency Task Force, para doon mag-show nang live,  ang kanyang Wowowin: Tutok To Win daily, 5:30 – 6:30 PM, habang naka-ECQ ang Metro Manila/NCR.     Kahapon, Sunday, August 8, doon din ginanap nang live […]