• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, pag-aaralan ang pagbili ng bagong bakuna laban sa Covid variants

PAG-AARALAN ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang pangangailangan na bumili ng bagong uri ng  coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccines laban sa  Omicron coronavirus subvariants.

 

 

Ang pahayag na ito ni Pangulong Marcos ay dahil na rin sa ulat na nananatili pa ring problema ang presensiya ng  Omicron subvariants na kailangan na tugunan.

 

 

Sa idinaos na “PinasLakas” vaccine campaign sa SM City Manila, sinabi ni Pangulong Marcos na sinabi sa kanya ni Department of Health (DOH) Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang tungkol sa bagong klase ng  Covid-19 vaccines laban sa Omicron.

 

 

“Now, I was just told by Usec. Vergerie, mukha namang merong ilalabas na vaccine para dito sa mga bagong variant ng Omicron. Kaya’t pagaaralan natin  and if it’s going to be helpful,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Giit ng Chief Executive na gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat ng makakaya nito para matiyak ang kaligtasan ng mga Filipino mula sa Covid-19.

 

 

“Gagawin natin ang lahat para madala dito sa Pilipinas para mabigay natin sa lahat ng kailangang magkaroon ng booster shot,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, mahalaga ani Pangulong  Marcos na tumanggap ng booster shot upang napanatili ang lahat na “fully immunized” laban sa Covid-19 at subvariant nito kabilang na ang Omicron.

 

 

“So, that is why it is very important and it’s very clear the benefits of having a booster shot now to combat the problem with the new variants of Omicron,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • SANYA, inamin na mas na-challenge sa pagganap na ‘First Lady’ kaya inaral na mabuti

    NGAYONG Valentine’s Day, hinahandog ng GMA Entertainment Group ang isa sa most anticipated series at sequel sa Philippines’ No. 1 show for 2021, ang First Lady.      The original drama stars once again the swoon-worthy pairing of award-winning actor Gabby Concepcion bilang President Glenn Acosta at ang brilliant Kapuso actress Sanya Lopez bilang First Lady Melody Acosta.   […]

  • Nakagugulat ang naging rebelasyon: GLADYS, makikiusap kay JUDY ANN para matuloy ang ideya na magsama sa isang concert

    NAKAGUGULAT ang rebelasyon ni GLADYS REYES na isang concert ang ideya niya na maging reunion project nila ni Judy Ann Santos. “Sa totoo lang, naisip ko na yan,” umpisang sinabi ni Gladys. “Kasi inspired by yung ginawa nina ate Sharon at kuya Gabby.” Kailan lamang ay idinaos ang reunion project nina Sharon Cuneta at Gabby […]

  • Bilang isa sa mga bagong host ng ‘Eat Bulaga’: AI-AI, nagpakita ng suporta kay BETONG kaya sobrang na-touch

    NAGPAKITA ng suporta si Ai-Ai Delas Alas kay Betong Sumaya, na isa sa mga bagong host ng “Eat Bulaga”.       Isa raw kasi ang Kapuso comedian-TV host na mabait at may respeto sa mga katrabahong mas senior sa kanya.       Sa Instragram, nag-post ng mensahe si Ai-Ai tungkol sa kabutihan ng […]