• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, patuloy na nakikipag-ugnayan sa foreign govts

PATULOY na nakikipag-ugnayan ang Pilipinas sa foreign governments para masiguro na protektado ang mga Filipino seafarer lalo na sa Red Sea.

 

 

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DFA Undersecretary for Migration Eduardo Jose de Vega na kinikilala nito ang naging pahayag ng United Nation Security Council na kinokondena ang ginawang pag-atake sa merchant vessels sa Gulf of Aden.

 

 

“So we have allies, we have friends with us and countries in the region are also assisting in the operations that they are conducting in response to this Houthi attacks,” ayon kay de Vega.

 

 

“We have been in touch with the United Kingdom and USA to ensure that no harm comes to seafarers,” dagdag na wika nito.

 

 

Sa 17 Filipino na sakay ng vessel Galaxy Leader, biktima rin ng pag-hijack ng mga Houthi rebels sa nakalipas, sinabi ni De Vega na nagpapatuloy ang pagsisikap ng pamahalaan na madaliin ang pagpapalaya sa mga ito.

 

 

“The 17 are still being held in Al Hudaydah in Yemen and the Philippines is “working with friendly governments to see if they could be released,” ayon kay De Vega.

 

 

“The Houthis are consistent in their statement that it would need an end to the war in Gaza before they will release the ship or seafarers,” aniya pa rin sabay sabing “But, at the very least, we know that the seafarers are safe. Of course, they’re not in the best of conditions, but they are safe and able to contact their families.”

 

 

Samantala, winika ni De Vega na inaasahan ng DFA na pag-uusap an sa working visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Germany and posibleng maritime cooperation para paigtingin ang proteksyon para sa seafarers sa itinuturing na ‘volatile region.’ (Daris Jose)

Other News
  • Djokovic nabigyan ng medical exemptions para makapaglaro na sa Australian Open

    Nabigyan ng medical exemption si Serbian tennis star Novak Djokovic para maidepensa niya ang kaniyang Australian Open title.     Sa kaniyang social media ay inanunsiyo ng world number one na siya ay makakapaglaro sa opening Grand Slam event matapos matanggap ang medical exemption mula sa pagpapabakuna laban sa COVID-19.     Dahil dito ay […]

  • Sapilitang pagbabakuna sa mga manggagawa at may-ari ng tiangge workers, oks sa MM Mayors—Abalos

    NAGKAISA at pumayag ang mga National Capital Region (NCR) mayors na sapilitang bakunahan ang mga manggagawa at may-ari ng tiangge.   Ang katwiran ng mga ito ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, ang mga tao sa tiangge ay nagmula sa iba’t ibang lugar at mayroon lamang seasonal visitors.     Ibig […]

  • Womens football team mas pinapalakas pa lalo sa bansa

    PATULOY ang ginagawang pagpapalakas ng sports na football para sa mga kababaihan.     Sinabi ni Philippine Football Federation (PFF) senior national teams director Freddy Gonzalez, na sa pagsisimula ng 2024 PFF Women’s Cup ay nagpapakital lamang na mayroong magandang programa ang bansa larangan ng football.     Isa rin itong paraan para makapili ang […]