• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, pinag-iisipang sampahan ng kaso ang Tsina, Vietnam dahil sa cyanide fishing

MAAARING magsampa ng kaso ang Pilipinas laban sa China at Vietnam sa gitna ng alegasyon ng cyanide fishing sa Bajo de Masinloc.

 

 

Sinabi ni National Task Force West Philippine Sea (NTF WPS) spokesperson Jonathan Malaya na sisimulan na ng pamahalaan na imbestigahan ang ulat ng paggamit ng cyanide.

 

 

Ang resulta ng imbestigasyon ay ipadadala Department of Justice (DOJ) at Office of the Solicitor General (OSG) para sa posibleng paghahain ng kaso sa korte.

 

 

“We will investigate this report and if validated puwede natin itong i-forward sa DOJ at OSG because sila po ngayon ang gumagawa ng mga hakbang para mapalakas iyong pinaplano nating pagsasampa ng kaso kung saan mang tribunal for environmental degradation,” ayon kay Malaya sa panayam ng Bagong Pilipinas Ngayon.

 

 

Sa ulat, ibinunyag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ginamitan ng cyanide ng Chinese fishermen ang Bajo de Masinloc upang maitaboy sa lugar ang mga mangingisdang Pinoy.

 

 

Maging ang Vietnamese fishermen ay gumagamit din ng cyanide sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

 

 

“At sinasabi, according to Filipino fishermen, ‘yung mga Chinese fishermen, if I am not mistaken, ay gumagamit ng cyanide as well ang mga Vietnamese fishers,” ayon kay BFAR spokesperson Nazario Briguera.

 

 

Nakumpirma rin nila ang pagkasira ng mga coral reefs mula sa kanilang  ground personnel dahil sa

 

 

Samantala, sinabi ni Malaya na ang National Security Council (NSC) kung saan ay nagsisilbi rin siya bilang assistant director general, ay naalarma sa ulat ng paggamit ng cyanide sa Bajo de Masinloc.

 

 

“But, we have to be careful also. So we have to validate and investigate,” paliwanag nito.

 

 

“So ang sabi namin sa BFAR, ‘Complete the documentation that you have taken, iyong mga ebidensiya at mga affidavits na makukuha natin. Submit your post-mission report to the NTF WPS.’”aniya pa rin.

 

 

Para naman kay Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning na ang alegasyon na gumagamit ng cyanide ang mga mangingisdang intsik ay malinaw na kathang-isip lamang.

 

 

Bagama’t iginigiit ng China na mayroong itong soberanya sa “Huangyan Dao” at katabing-katubigan, sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning na “Chinese government attaches great importance to the protection of eco-environment and conservation of fishing resource and resolutely fights against fishing activities that violate laws and regulations.”

 

 

Gaya na rin ng inihayag ng Chinese Embassy in the Philippines na ang alegasyon laban sa mga mangingisdang intsik ay walang basehan.

 

 

“Such continuous disinformation has led up to nothing but exacerbation of the maritime tensions and destabilization of bilateral relations,” ayon sa embahada.

 

 

“We urge the relevant Philippine agencies to handle maritime issues with all seriousness and meet the Chinese side halfway in safeguarding bilateral relations as well as peace and stability in the South China Sea.” anito pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • NFL Hall of Fame ceremonies kanselado na

    Kinansela na ang Professional Football Hall of Fame 2020 induction dahil sa coronavirus pandemic.   Gaganapin sana ang nasabing ceremony mula Agosto 5-9.   Sinabi ni Hall of Fame CEO David Baker, inalala nila ang kaligtasan ng mga Hall of Famers, fans at volunteers kaya minabuti na nila itong kanselahin.   Dagdag pa nito na […]

  • COPPER MASK WALA SA LISTAHAN NG FDA

    NAG-ALALA  ang Department of Health (DOH) sa publiko  kaugnay sa paggamit ng face mask sa gitna ng Covid-19 pandemic. Ayon sa DOH, may ilang uri ng face mask na hindi kasama sa listahan ng Food and Drug Administration o FDA bilang notified face masks. Kabilang umano na  wala sa listahan ng FDA ang isnag brand […]

  • PBBM, nangako ng 6M housing units sa pagtatapos ng kanyang termino

    NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magtatayo ang kanyang administrasyon sa pamamagitan ng “National Pabahay Para sa Pilipino Housing” (4PH)  ng 1 milyon na housing units kada taon o 6 million units sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2028.     “Layunin po ng programang ito na makapagpatayo ng isang milyong pabahay sa […]